Hanggang Mutual Understanding (one shot)

242 6 3
                                    

Matagal ko nang alam na tapos na lahat pero bakit parang hanggang ngayon hindi ko parin kaya?

---

(Play nyo rin po yung music sa side kung gusto nyo :)

Naomi's POV

Ang saya nya nakangiti sya. hmmm. sana araw-araw ganto kami.

"Hala ka Naomi baka mabunot ka na ni Sir"

apat na buwan narin since nang di kami magpansinan mukhang ako lang ata yung di naka move on bakit ba kasi ako naniwala sa mga salita nyang sinabi pati yung mga I love you at mahal kita halata namang di totoo yun at ang nakakalungkot parang bula lang na naglaho yung pinagsamahan namin. Na love at first sight ako sa kanya nung first year pa lang kami kasi magkaklase kami tas flag ceremony nun first day pa lang namin sa high school ngayon ko lang nalaman na totoo pala yung love at first sight at ang mas masaklap first love ko sya. Pareho naman kami nang nararamdaman kaso nga lang nakaraan na yon mukhang ako na lang di nakaka move on.

"Wag ka nga manakot Luke! kinakabahan ako eh"

AP time namin ngayon nako! medyo di ko like tong subject na to simula elementary kasi naman noh! nakakabagot, nakakaantok pero kerii naman nagbasa naman kami kanina ng barkada eh. Nako Sir juiceko po! wag nyo kong tatawagin, may recitation kasi kami ngayon.

"Hahaha! di lang naman ikaw kinakabahan eh kami rin oh"

"Sus yan si Hannah kakabahan eh ang genius nyan sa AP tas yan naman si Ina nako po eh yang dalawang yan nasa top makakalagpas yan"

nagreview ulit kami ngayon habang nagtatawag si sir. Iniiiis! Kung kailan kami naging awkward sa isa't isa tsaka pa kami naging magkatabi dahil kasi sa mga kaibigan ko to eh! Ang lakas ng trip!
Pero kahit sa buong grading na magkatabi kami ngayon lang ulit kami nag-usap. Natawag na si Hannah at Ina.

"Hala ka Luke! for sure yan ikaw na tatawagin"

"As if ikaw kaya mauuna"

tas bigla syang sumigaw

"Sir si Naomi"

nakakahiya nagtinginan tuloy yung classmates namin naman to!

"ang ingay mo talaga! babatukan kita eh"

"Bahala ka dyan ikaw na susunod"

"brr. ang lamig"

tapos pinagdikit ko yung kamay ko tas hinipan, yung para mainitan.

"Shhh."

Nagulat ako nang biglang hawakan nya yung dalawa kong kamay. Parang medyo nabawasan yung kaba ko.

"Ang lamig mo nga. yikes kinakabahan sya, kung nilalamig ako mas nilalamig ka pala may aircon ba dito sa room?"

"Bad to! pag-ikaw tinawag dyan!"

tas binawi ko yung kamay ko hanggang ngayon may dating parin sakin yung mga gantong bagay kasi noon pag napunta kami sa bahay pag inaakbayan nya ko nakakaramdam ako nang gantong feeling ang hirap iexplain basta yung masaya na nakakatense. Naalala ko pa nga nun kumain kami sa isang fast food tas napaso ako dun sa lagayan ng shomai eh sobrang sakit na mahapdi na ewan.

"Akin na nga kiss ko na lang para mawala"

inagaw ko bigla yung braso ko pero inagaw nya rin agad.

"Wag mo ngang ikiss abnormal to!"

"e di hihipan ko na lang"

Dahil di rin ako makakapalag kaya ayun hinipan nya.

"Luke" biglang sabi ni Sir

Hanggang Mutual Understanding (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon