kayraming bagay ang ikinukubli
na sa isipay isang pasubali
nakatala lahat ng pag kakamali
upang hindi na maulit muli
ngunit sa pusoy mayroong hikbi
na kailan may di maiisang tabi
anino ng kahapon na walang silbi
na di maaaring ibigkas ng labi
animoy parang kahapon lamang
kung alalahaniy tila nasa parang
ngunit lahat ay isa lamang panlilinlang
tulad ng isang mabagsik na balang
paano nga ba malalaman
kung ikinukubli rin lang naman
ng pusong lubos na nagdaramdam
sa minamahal na walang alam
ang lahat palay isa mo lamang laro
ngunit ang puso koy totoo
at nagmahal ng walang halong biro
at lumigaya tulad ng paru-paro
ngunit ito palay panandaliang ligaya
dahil ang paglisan moy di kaaya aya
sa likod ng magandang kahapon na iyong dala
sa huliy pagdurusa ang tanging nadama
ngayon pusoy tuluyan nang nag iisa
at ang kahapon ay naging maligaya
tuluyan na nga bang mawawala
at ang ating kwento dito natatapos na.
BINABASA MO ANG
compilation of my poems.
Poetryit contains poems that i had written since i graduated in high school up to now