Chapter 1 Hello

42 0 0
                                    

It's 7 pm already. Nasa library pa rin ako. Actually palabas na talaga ako kaso tumulong ako kay Mrs. Merlie sa pag aayos ng books.

'Ting'

1 message

From: Kiel The Great

'Sa OR 8:30 dont be late again Zy.'

To: Kiel The Great

'K'


Nagsimula na akong maglakad palabas ng campus. Ang dilim na pala. Sinuot ko ang jacket kong black at lumakad papuntang apartment ko. Habang naglalakad ako. I can hear some noise like girls talking about another gossip.


"Kumare! Alam mo ba may bagong boyfie na yang baklang yan"


"Ohh talaga? Diba may asawa yung dating boyprend niya? Tapos inubos daw pera niya?"


"Oo Mare! Di na nadala eh"


Napabuntong-hininga ako. Minsan naiisip ko ano bang mapapala nila sa mga gossip na yan. Bakit sila nag jujudge ng tao without knowing the background story. Wala na silang ibang magawa kundi manira ng buhay ng iba tapos pag sila naman ang na chismis makikipag-away sila kasi di daw totoo yung gossip sa kanila.


Pumasok ako sa isang maliit na apartment. Oo maliit lang pero malinis ako sa gamit. Lahat naka organize. Simula sa damit hanggang sa sapatos dapat lahat maayos.

*Ring* *Ring*

Miya calling...

"Hey Miya"

"Beshie!! It's 7:30 na baka magalit si Eze pag late ka na naman"

"Oo na"

"Susunduin ba kita beshie?"

"No thanks Miya"

"Aww sige bye bye beshie"


Ang kulit talaga ni Miya. Tinanggal ko ang salamin ko at naghilamos. Napatitig ako sa salamin. Nakikita ko na naman ang mukha ko. Matagal kong itinago sa mga tao ang mukhang to. Palagi akong naka disguise sa labas dahil mahirap na baka makilala pa ko d'yan at patayin.


Kumain na ako tsaka nagbihis ng black pants, v-neck na white, black na jacket, at mask na may nakasulat 'S'
Tumingin ako sa orasan 7:51 na. Hindi na yata ako mahuhuli sa usapan. Maka alis na nga. Naglakad na ako palabas at sumakay sa motor ko at umalis. 30 minutes ang layo ng OR sa apartment ko.



OR ang corny talaga ng pangalan ng hide out namin. Our Reality tsk si Marcus may pasimuno ng OR na yan eh. Ang corny lang.
Pinark ko ang motor ko tsaka naglakad papuntang building na aakalain mong abandonado yung totoo maraming tao sa loob niyan. Pagkapasok ko dumiretso ako sa underground dahil nandun ang OR. Pagrating ko wala pa si Kiel at Devi.



Nangingibabaw ang boses ni Marcus at Miya si Jess tahimik lang na naka tingin sa phone niya. Si Jesica ay natulog na sa mga papeles na nasa harap niya. Si Axell ay nanunuod ng movie. Si Iwon naman ay may dalang babae?



"Yah. Iwon bakit mo dinala yang babaeng yan dito! Gusto mo bang mapatay ni Zy pagnakarating yun?" Sigaw ni Marcus



"Oo nga Iwon. Ayaw ni beshie na may ibang tao sa OR na hindi niya kilala" habol ni Miya



Jess naman ay nakatingin lang sakin. Napasandal lang ako sa pader malapit sa pinto.



"Guys! Easyhan niyo lang kaya nga pinatulog ko muna si Aika para di niya malaman na nasa OR siya ngayon." Sagot ni Iwon



Out Of RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon