Araw-araw sa talahiban ako'y tumatanaw
nakatingala sa ulap sakay ng kalabaw
Nangangarap, umaasa sa pangarap kong tanglaw
Nawa'y dinggin ng langit ang aking hiyaw
Araw-araw sa bukid ako'y naglalaro
Pagkatapos kumain ng hain sa plato
Kapag hayan na at tawag nako ng tiyan ko
Biglang uupo sa talahib at pakakawalan ang perwisyo
Ngunit isang araw ako ay nahiya
Ako ay nakita ng isang dalagita
Kung titingnan ay kami'y sing-edad na
Di mawari kung paano ako mawawala
Ngunit ang hiya ko ay napalitan ng tulala
Di ko maisip kung ano ang nadarama
May daga sa dibdib kong gustong kumawala!
Tila langit nung ako'y titigan nya
Ang oras ko noo'y tila tumigil
Ang bumaon lang sa aki'y ang kanyang titig
Ang muka nyang maamo at matang marikit
Ako'y nabihag at ang puso kong sabik!
Di ko namalayan, sya'y biglang nag-iba
Muka'y namula at sumigaw ng sobra!
Sabi nya: "BASTOS! LUMAYAS KA!"
Ako'y nabigla. Takbo't naiwan pa ang padjama!
Sa bahay pag-uwi ay aking iniisip
Kung sino nga ba itong dilag kong ibig
Kung san sya ngayon at kung magkikita muli
Sakay ng kalabaw kahit lang sandali
Lumipas ang mga araw sakay muli ng kalabaw
Laking gulat kong siya'y aking matanaw!
Itong dibdib ay di ko mapigil humiyaw
Pag-ibig na nga ba ang aking tanaw?
Ngayong araw ay di ako dumumi
Baka kasi masira nanaman ang aking bawi
Sa nakaraan naming saglit na hawi
Ng tadhana na may konting ngiti
Sakay ng kalabaw ako'y lumapit sa kanya
Tanong ko bigla ay "Kamusta ka?"
Sya'y ngumiti at biglang tumawa
Sabi'y: "Ikaw yung tumatae na aking nakita!"
Ako ay nahiya ngunit nagpatuloy
Aking kinilala itong babaeng tukoy
"Anong ngalan mo?" aking panaghoy
"AKO SI AMIA." ang sagot nyang mala "HOY!"