Isang taon na ang lumipas matapos ang magandang pangyayare sa buhay ko.
Katulad ng ibang couples marami rin kaming pinagdaanang challenges ni Miguel.
Nariyan ang pag-aaway, selos, mga hindi inaasahang problema.
Pero lahat yun ang nasusolusyunan namin.
Nitong mga nakaraang linggo hindi na kami halos nagkikita dahil masiyado ng abala. Graduating na kasi.
Nalulungkot ako pero normal naman na ganito, dahil hindi naman sa akin lang umiikot ang mundo niya.
Kinabukasan
14th monthsary namin ngayon ni Miguel at nag-iisip ako kung paano namin ito iccelebrate. Maganda sigurong kumain na lang kami sa labas.
Nakapagsend na rin naman ako kagabi ng greetings sa kanya pero nakapagtatakang alas diyes na ay wala pa rin siyang reply.
Baka abala pa sa gawaing bahay.
Bandang alas dos nakita kong nagreply na siya.
Parang may kakaiba sa response niya.
Sa hinaba haba ng greetings ko.
"Sige" lang ang inireply niya.
May problema ba siya?
Dali dali ko siyang tinawagan para makampante ako.
Ilang ring pa ay sumagot na rin siya.
Me: "hello?"
Miguel: "bakit?"
Me: "Ayos ka lang ba? May... May problema ba?"
Miguel: "wala. Bakit mo ba naisip yan?"
Me: "Ang iksi kasi ng reply mo. Nagtaka lang ako."
Miguel: "Dapat bang habaan ko rin? Dapat bang magpaka-OA rin ako? Napakababaw naman Karina para isipin mong problema yan. Sige, sa susunod hahabaan ko na ang reply sayo."
Me: "Hindi naman sa ganun, hindi lang ako sanay na ganun ang response mo."
Miguel: "Oo na nga, next time hindi na. Sige. Mamaya na tayo mag usap marami pa akong ginagawa. Bye"
At in-off na nga niya ang tawag.
Me: "Dapat pa bang batiin ka ng Happy Monthsary kung hindi naman talaga ako Happy?"
Maghapon ko na lang inabala ang sarili ko para hindi ko na maisip kung ano yung nangyare.
Baka hindi lang maganda ang gising nun kaya nag aattitude.
Nagising ako sa sunod sunod na tunog ng phone ko.
Nang i-check ko merong 5 messages galing kay Miguel.
Paniguradong nagsorry na ito. Kaya napangiti na ako at binuksan ang mga messages niya.
From: Miguel
Karina, I'm sorry sa nangyare kahapon. Sobrang pagod lang talaga.
From: Miguel
galit ka pa ba?From: Miguel
I miss you so much.From: Miguel
Alam kong hindi ko dapat itago sayo to, kaya sasabihin ko na.Ang huling mensahe niya ang nagpawala ng ngiti sa labi ko.
From: Miguel
"May problema tayo. Alam mo namang ga-graduate na tayo ngayong buwan, hindi ba? Alam kong napag usapan na natin na dito tayo mag-aaral pareho pero hindi pumayag si Mama. Gusto niya akong mag-aral sa Manila dahil mas malaki raw ang opportunity doon. Ilang beses akong tumanggi pero nagalit siya. Dumating sa puntong pinapili niya ako. Ikaw o ang pag-aaral ko. Hindi ako pumili kasi parehas kayong importante sa buhay ko. Pero si Mama, nagalit siya. Gusto niya na itigil na natin itong relasyon natin. Kailangan ko na raw magseryoso dahil hindi na biro ang buhay kapag nasa kolehiyo na. Kailangan ko ng opinyon mo. Kailangan kita. Anong gagawin ko, Karina? Mababaliw na ako kakaisip kung paano to susolusyunan. Ayaw kitang mawala pero ayaw ko ring magalit sa akin si Mama.Hindi ko alam kung anong irereact ko. Masiyadong nawindang ang mundo ko sa mga sinabi niya.
Hindi ko akalaing dadating kami sa ganitong punto.
Si Tita Min? Ang akala ko tanggap na niya ako. Ilang beses na niya akong winelcome sa pamilya nila. Akala ko okay kami pero bakit ganito? Bakit ginigipit niya si Miguel?
Kinalma ko muna ang sarili ko bago nagreply kay Miguel.
To Miguel:
Ayaw kong magdesisyon para sayo. Dahil kung ako ang tatanungin gusto kong ipaglaban mo ako, itong relasyon natin. Pero naiintindihan ko naman. Wala akong laban sa Mama mo. Sa pamilya mo. Kung anuman ang maging desisyon mo. Sige, susuportahan ko na lang. Sa puntong to wala talaga akong maisip na tamang salita para sabihin sayo. Nasasaktan ako pero naiintindihan ko ang punto ng nanay mo. Sabihan mo lang ako kung anong desisyon mo.
From Miguel:
Mahal kita.