Chapter 1: Introduction

43 0 0
                                    

Note: (Most of) the following characters in this story are merely products of my imagination. Any... Uh, pagkakaparehas in real life is purely fictional.

Some time in September 2010

Now Playing: Recall - Sushi Monster

Umuulan nung araw na yun. Saturday. Nakaupo ako sa loob ng kama ko habang nakikinig ng isa sa aking favorite na kanta ng Sushi Monster, and at the same time, nagbabasa ng libro tungkol sa Physics. Napapaheadbang ako dahil sa beat nung kanta at boses ng kumakanta. Di ko na kelangang buksan yung aircon nun kasi malamig naman eh.

Tapos biglang may tumunog nun. Yung phone ko. May nagtext. Tiningnan ko kung anung laman nung text na yun. Galing sa kabanda kong si Mark.

"Oy Jayson. San ka na? Dito na kami sa Newgrounds. Sira daw yung bass nila dito. Isama mo si Vanessa."

Yup, that's me, Jayson. 4th year BS ECE ng University of... Basta! *Ehem* My real name is Jayson Fairchild (nice name). 1/4 ng dugo ko ay foreign, pero di halata sa itsura ko, kasi naging carbon copy ako ng nanay ko, except for the nose na medyo matangos na nakuha ko kay Fil-Foreign erpat na nakatira ngayon sa Europe. Yung Newgrounds, yun yung band studio na isang jeep ang layo sa bahay ko. Magpapraktis kami ngayong araw kasi malapit na ang University Week namin noon. Magkakaroon ng Battle of The Bands at intermission kami ni Mark dun. Oh, and I forgot to tell you guise (Yes, guise, instead of guys, sinadya ko yan) na kaya ako nagaaral ng Physics kasi may Quiz Bee din sa UWeek, at Captain ako ng 5-man team na representative ng College of Engineering.

And Vanessa? No, she is not my girlfriend, although itinuring ko siya bilang GF ko after my exes broke up with me. Pangalan yun ng bass ko, ang aking prized possession, isang Ibanez 4-string   P-Bass na pinadala ni erpat nung 4th year HS ako, regalo niya sakin.

*Back to reality*

Tumingin ako sa bintana. Tapos na yung ulan. Buntong hininga, nilapag ang libro sa mesa sa tabi ng kama ko. Tumayo. Kinuha si Vanessa at tinago sa gig bag kong worth 200 Php, nagpali... Di na pala ako nagpalit ng damit. Kumuha ng 50 sa alkansiya ko, tiningnan ko ang sarili sa salamin, at lumabas na ng kwarto.

"My! (Pronounced as Mee) Alis muna ako! May praktis kami nina Mark sa Newgrounds!" Sabi ko kay Ermat na nasa CR. "Oh sige, umuwi ka kaagad pagkatapos hah." Reply niya.

Paglabas ko ng bahay namin, may nakita akong jeep na papunta sa kalyeng dadaan sa Newgrounds. Sumakay ako dun, nagbayad ng pamasahe sa jeep, at tiningnan ang phone ko. May nagtext na isa pa, di ko napansin.

Si Katherine Santos aka Kate. Ang GF ko. At galit na siya.

Of Moshpits and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon