Chapter 2: Nostalgia

45 0 0
                                    

"Nakakaasar ka bheb. Di ka man lang nagtetext. Sabi mo kagabi unli ka." Nakalagay sa text ni Kate.

Yeah. Bheb ang tawagan namin.Pinagsamang babe at bhe. Wala lang. Para unique. Ako ang umisip nun...

Buntong hininga lang ang naisambit ko. nakalimutan kong itext siya kanina, kasi naadik ako kakalaro ng Megaman Zero 3 sa GBA Emulator ng PC ko mula kagabi hanggang kanina lang... So, anung ginawa ko? Nagisip. Saka nagtype sa aking Nokia C1-01 na phone ng reply.

"Pasensya ka na bheb. Nagaral kasi ako kanina para dun sa Quiz Bee. Tinext nga pala ako ni Mark, may praktis kami ngayon. Papunta nako sa Newgrounds."

Nagsinungaling ako. Hahaha. Alam kong magagalit siya sakin pag sinabi ko yung totoo... Ilang minuto ang lumipas. Naisip ko na magsoundtrip muna. Kukunin ko na sana yung headset sa bulsa nang magreply agad si Kate.

"Ok sige bheb. Basta punta ka sa SM pagkatapos. Kasama ko sina Johann at MJ. Ingta. I love you :-)"

Si Johann at MJ. Dalawa sa barkada ni Kate na Education din ang course. Si MJ, Major in MAPEH. Si Johann naman, Biological Science, tulad ni Kate. And 2nd cousin ko din siya, actually. Magpinsan ang nanay niya at ang tatay ko, dahil sa nanay nilang dalawa na magkapatid. Pero nalaman ko lang lahat yun nung naging kami na ni Kate last year.

Oh, the memories... Naalala ko yung first time na nakilala ko si Kate...

September 2009, Sa University of... Basta!

NP - Ang Buhay Ko (Cover) - Pieces of Jane

"Jayson, nasaan ka na?! Malapit na magstart yung quiz bee! Galit na si Coach Carasco!" Text sakin ng Captain ng quiz bee team ng College of Engineering noon, si Francis. Yup, member din ako ng quiz bee team ng Uweek nung panahon na yun. Actually, nung 1st year college [a lang ako, member nako nun... Anyway, tumatakbo ako noong araw na yun papunta sa Events Theater ng school kung saan gaganapin yung quiz bee. Shet. Maraming manonood...

So ganoon nga, takbo, takbo, takbo, takbo, takboooooooooooooo papunta sa ET...

Hanggang sa narating ko angdestinasyon ko, right on time, bago magsimula ang event...

Nagstart ang quiz bee. Isinalang ako bilang starting member para sa Easy round. Chill lang at the start kahit medyo kabado, pero di ko aakalain na ibababad nila ako hanggang sa matapos ang Difficult round. Ang score? Tabla ang Engineering at Computer Studies sa 62 para sa championship. Ang Business and Accountancy naman ay 58, so nakuha nila ang 3rd place. Nagkaroon ng 5 minutes break para mapalit ng members (which was hindi na necessary para sa team namin), at nagresume na uli ang game. Dumating na ang pinakahihintay na sandali ng lahat: Ang unang tanong ng  Sudden Death round. Tahimik ang lahat sa paghihintay...

Ayun! Nagflash ang tanong sa pader kung saan nakatuttok ang LCD projector. Ang tanong ay...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Of Moshpits and LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon