Chapter 1

197 7 15
                                    

CHAPTER 1: PAG-TATAKA

Alexia's POV

⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜

Naniniwala ba kayo sa mga taong LIVING WITH THE UNDEADS? Yung mga taong patay na pero may kakayahang umakto na parang buhay. Kung ako ang tatanungin, hinding hindi talaga ako naniniwala sa mga ganyan, para sakin isang haka-haka lang yan at hindi maka totohanan.

Ako nga pala si Alexia Haristale, 17 years old at pasamantalang nakatira kasama ang lola ko. Ang mga magulang ko ay nasa trabaho, gustong gusto ko man silang makita ngunit hindi ako pinapayagan ng lola at hindi ko alam kung bakit. Ang mga magulang ko ay guro ngunit hinalughog ko na sa google ang mga paaralan, hindi ko makikita ang mga pangalan nila.

◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎◎

Isang araw na nagulat nalang ako sa mga pagbasag ng mga gamit sa sala, dali-dali akong pumunta sa baba para makita kung ano ang nangyari. Nakita ko ang lola ko na pumipiglas, may naka hawak sa kanyang isang lalake na naka itim.

"Alexia!" sigaw ni lola ngunit, ng init ang aking katawan at bigla nalang akong nawalan ng malay.

Nagising na lang ako dahil sa silaw ng araw sa aking mata, nakita ko ang lola ko na nakatitig sa akin.

"Lola, ok ka lang po ba?" tanong ko sa kanya,

"Okay lang ako apo, dapat nga ako ang mag-tatanong sayo kung ok ka lang ba." sabi ni lola habang pinunasan niya ang noo ko ng bimpo.
"Ok lang naman po ako lola. Lola, sino po ba yung mga lalakeng yun? Mga magnanakaw ba yun?" tanong ko kay Lola, habang nakatitig siya sa aking aparador.

"Mga magnanakaw yun sila apo, buti nga at naka hingi ako ng tulong sa kapitbahay noong isang araw." Sabi ni lola, noong isang araw?

"Noong isang araw? Lola ilang araw na po ba akong tulog?" tanong ko kay lola,

"dalawang araw kanang tulog apo, hindi nalang kita ginising dahil alam kong pagod ka." sagot ni lola sa akin.

Napagod? At saan naman ako napagod, eh biglang ng init lang ang katawan ko at nahimatay. Hayst.. bahala na nga,

"Apo, maligo kana may pupuntahan tayo. At mag impake ka na rin." sambit ni lola sa akin. Teka, mag impake? Aalis ba kami ni lola ng bansa? Waaahhh sana naman sa South Korea kami pupunta...

Pagkatapos kong maligo at mag impake ay nag bihis ako ng damit, nakita ko ang damit sa kama ng parang uniporme. Tinawag ko si lola at tinanong ko sa kanya kung ito ba ang susuotin ko at sinabi niya na ito raw ang susuotin ko at wag na daw akong umangal.

Pagkababa ko sa sala ay nakita ko si lola na nag aantay na sa akin sa sasakyan.

Saan kaya kami pupunta?

⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜⚜

Pabitin muna. Sana nagustuhan nyo ang First Chapter! With much Love from Author!!!

Don't Forget To

Vote, Comment, and Share🖤🖤

DEAD UNIVERSITY⚜


Dead UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon