Mahal kita

2.2K 13 0
                                    

sabi nila mas maganda kung tagalog ang tula

dahil may hugot at mas dama ang bawat salita

kaya gusto kong magsimula

sa salitang mahal kita


oo mahal kita

kahit manhid ka

mahal pa rin kita

kahit masakit na


gagawin ko lahat ng aking makakaya

maging akin kalang sinta

mamahalin kita

kahit alam kong wala akong pag asa


alam kong madaling matulog

pero mahirap bumangon

madaling mahulog

mahirap mag move on


kasi alam kong mahal kita

sana mahalin mo rin ako

wala akong pake kung masakit na

dahil lahat gagawin ko para sayo


mamahalin pa rin kita

kahit nagmumukha na akong tanga

wala akong pake sa sasabihin nila

ma ipadama lamang ang aking pagamamahal sayo o aking sinta


ang pagmamahal ko sayo

ay parang numero

walang katapusang pagtibok ang puso ko

para lamang sayo


hihintayin kita

hindi ako magsasawa

ipaglalaban kita

dahil mahal na mahal kita


sana madama mo na

dahil alam kong na iinis ka na

pasensya na

mahal lang talaga kita

Written Word Poetry (TAGALOG)Where stories live. Discover now