The Wonder Woman (Part 1)

18 0 0
                                    

Ako nga pala si Maria Soriven. Simpleng babae, may katabaan at Kulot ang buhok. Maging palaban sa anumang hamon ng buhay. Kapanahunan ni Pangulong Lopez nung ako isinilang ng aking mga magulang. Sampo kami magkakapatid. Ako ang bunso sa aming magkakapatid. Lumaki sa hirap ng buhay. Ang Tatay ko na si Pelipe ay nagbubukid lamang at ang Nanay ko na si Pacita ay sa bahay lamang na nag aalaga sa aming magkakapatid. Hindi pa uso ang Family Planning nung kapanahunan naming, kaya dumami kami na halos mag iisang dosena na dahil nag kaanak sa labas si Tatay sa ibang babae. Kahit nagkaroon ng ibang anak ang tatay naming hindi pa rin niya kami pinababayaan at muli naming tinanggap ang kapatid naming sa Ama. Sa hirap ng buhay, Tuwing pasko lang ako nakakatikim ng Manok o Karne. Dahil sa hiap ng buhay naming noon. Ang bigas naming ay hinahaluan ng Mais para kami ay makakain sa araw araw. Sa sobrang dami naming magkakapatid ang Kuyang ko namamasukan ng trabahador sa isang pamilihan sa palengke upang may pang gastos sa araw araw. Ang mga Ateng ko, namamasukan bilang Tindera sa Manila. at Tatlo lang kami nag aaral. Ang Ate Pining ko at Kuya Gener at Ako na sabay sabay pumapasok sa elementarya sa aming lugar.

Naging masipag mag aral at marunong sa aming mag kakaklase. Kahit minsan naranasan ko na walang baon, pumapasok pa rin ako. Ang Tsinelas ko noon pag pumapasok sa eskwelahan ay di-ipit at magkaiba ang dahon. Ang bag ko gawa sa sako. umiiyak ako noon kung minsan nag pa paa nalang ako dahil hindi ako mabilhan ng nanay ko ng bagong tsinelas. Sabi ko sa sarili ko, Pag nakatapos ako ng pag aaral at Nagkaoon ng magandang trabaho Bibili ako ng maraming Tsinelas Sapatos at mga Bag. Lalo ko pa pagbubutihin ang aking pag aaral ng matupad ko ang mga Pangarap ko. Tinutulungan ako ng mga kapatid ko matustusan ang aking pag aaral. kahit nagagawa na nila mag nakaw sa bukid may mai pambaon lang ako. Sumapit na ako ay tutuntong ng High school. Marami ako nagging Kaibigan at Marami akong manliligaw nung kapanahunan na ako ay Nag aaral pa lamang. Minsan napaibig ako sa Nangangalang Romeo. Isang Magandang Lalaki. Simple at Mabait. Siya ang kauna unahang kong nagging nobyo. Nag mamahalan talaga kami. Kaya lang dumating sa punto na kami ay naghiwalay, kadahilanan na ako ay mag aaral sa kolehiyo.

Sa kilalang unibersidad sa aming lugar kung saan ay Napaka raming nag aaral doon. Kumuha ako sa kursong Bachelor of Science in Agriculture. Ito ang napili ko dahil sa kasanayan kong mamuhay sa mga farm. May nakilala akong isang magandang Babae, Mabait na kaibigan, Ito ay si Maribel na Taga Baguio. Siya lang ang nagging matalik kong kaibigan. magkasosyo kami sa lahat ng bagay ultimo ang baon ko na binibigay saakin ng mga ate at kuya ko ay hinahati ko para saaming dalawa. Mayroon akong manliligaw na nangangalang Generoso. Isang Gwapong Lalaki at Mabait. Dalawang taon lang ako nag aral sa isang kilalang unibersidad na aking pinapasukan. Kinuha ako ng aking nakakatandang kapatid na si Ate Caring para makapag sa isang Sikat na Unibersidad sa Manila. Dito ko naman nakilala ang kaibigan kong si Anania. Isang mabait na kaibigan at maaasahan mo talaga sa lahat ng bagay.

Hindi nag tagal, nakilala ko si Bernardo. Magandang lalaki. Mabait. at Matalino Naging magkaibigan kami dahil Magkaparehas kami ng kurso subalit magkaiba ang aming major course. May Girfriend siya noon na nangangalang Mercedes. Magandang Babae. Maputi at Mahaba ang Buhok may magandang pangangatawan. masasabi mo talaga na nasa kanya na angkatangian na hinahanap ng isang Lalaki. Naging malapit sila saakin dahil kaibign ko si Bernardo. Kung minsan, Binigyan ko pa siya ng pang date nila. Manood ng Sine. hehe Ang palabras noon ay kapanahunan ni Fernando Poe Jr. at Susan Roces. Isang Taon nakalipas, Nabalitaan ko na nagkahiwalay sila Bernardo at Mercedes. Sa lalim ng pag kakaibigan naming ni Bernardo nagkakamabutihan na kami ng loob at nagtapat na ako ay gusto na niya. Ilang bwan na nakalipas napasagot ko si Bernardo hanggang sa makatapos kami sa Kolehiyo at sa Apat na taon naming magkasintahan. Inaya na niya ako mag pakasal sa kanya hindi na ako nag atubili na tumanggi pa dahil lubos ko siyang minamahal.

Taong 1980 ng kami ay ikinasal sa isang simbahan sa aming lugar. Isang simpleng Kasalan at Nagsimula sa wala. Namuhay ng Simple at Nagtrabaho sa malayong lugar si Bernardo. Hanggang sa natuklasan ko na ako ay nag dadalang tao sa unang pagkakataon. Nabiyayaan ng Unang Supling na nangangalang Caezar. Isang Malusog na bata. Dalawang taon nakalipas Nasundan ito at Nabiyayan ng isa pang supling na nangangalang Marcelino. Kahit sa simpleng pamumuhay nag sumikap akong maghanap buhay para saming pangangailangan at makatulong sa aking mga magulang at kapatid. Hindi nag tagal, Nagpasya si Bernardo na makipag sapalaran sa ibang Bansa para mabigyan niya ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Paunti unti bumabangon na kami sa kahirapan. dahil tulong tulong kaming tuparin ang isang pangrap na magandang kinabuksan para sa pamilya. Natutulungan ko na ang mga magulang at aking mga kapatid. kahit anuman problema sa aming buhay pampamilya ako pa rin ang lumulutas dahil gusto kong maging maayos ang lahat at walang problemang pinalalaki. Nag sumikap ako hanggang sa napapalago ko na ang isang negosyong aking pinag papatuloy. Marami akong nakasalamuhang tao Lalo na pag dating sa pag hahana buhay o pangangalakal. unti unti ako nag iinvest at nagiging malakas ang aking pag hahanap buhay natulungan ko na pag aralin ang aking mga pamangkin sa mga kapatid at mga kapatid ng aking asawa. Limang taon nakalipas na nakipag sapalaran sa ibang bansa ang aking asawa nag for good na siya para tulungan nalang ako sa pag hahanap buhay. Hanggang sa nagkaroon kami ng sariling pang negosyo at naging ahente na siya ng Truck na aming business. Isang Taon kagustuhan ko mag kaanak ng Babae. dahil ako ay wala ng pag asa na magkaanak muli. Nag pasya ako na mag ampon ng batang babae. Pinangalangan naming Maica. Naging masaya ang aming pampa milya ng dumating sa buhay naming si Maica.

Kung kailan nabigyan ko ng magandang pamumuhay ang aking mga Magulang at saka pa Pumanaw ang aking mahal na mga Magulang. Napaka sakit saakin na mawalang ng Ama't Ina. Ganoon talaga na ang buhay ng tao ay hiram lang natin sa Diyos na maykapal. Sa lahat ng Problema sa aming pampamilya ako ang unang nalalapitan. lahat dinadamayan ko kahit masyado na mabigat ang problema nagagawa ko pa rin itong solusyunan at maging maayos ang aming pampamilya. Sa aking mga kapatid na kaliwa't kanan ang naging problema ako pa rin ang nagbibigay ng advice para sa kanila. Kahit na gipit na gipit na sa buhay natutulungan ko pa rin sila. Sa aking malalapit na mga kaibigan ni kahit sino sa kanila walala akong hindi natulungan. Kadalasan nga ako ang naloloko Lalo na sa pag hahanap buhay. pero pinapa sa diyos ko nalang ang lahat ng baling araw ay mapag sisisihan din nila ang mga nagagagwa nila sa kapwa nila.

Nung naging mayaman na ako halos lahat ng tao saakin na lumalapit. dahil sa pagiging mabait at pag papakatao ko para sa kanila dahil danas ko kung gaano kahirap ang walang wala. Hangga't kaya ko tutulong tutulong ako sa kanila. At natupad ang mga pangarap ko na mabili ko ang mga magagandang Tsinelas, Sapatos, Bag at mga Damit. nabili ko lahat ang gusto ko.

The Wonder WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon