The Wonder Woman (Part 2)

1 0 0
                                    

Makalipas ng Maraming Taon..

Bumagsak ang aming negosyo dahil sa pagka lugi lugi. Nawala ang lahat ng aming mga ari arian. Simula nung nag hirap ako, hindi na ako kilala ng mga taong natulungan ko. Hindi ko isinusumbat yun, pinapa sa diyos ko nalang ang lahat. Nag aaral sa kolehiyo ang aming mga anak na lalaki at Isa ay sa Elementarya. Kait hirap na hirap na kami igapang ang lahat ng gastusin araw araw Lalo na sa mga pangangailangan ng mga anak ko sa school. Gumagawa ako ng paraan para maiayos ang lahat kahit mag kanda utang na ako. Makapag tapos lang sila. Awa ng diyos makakatapos na ang panganay ko. nangangarap na baling araw siya naman ang tutulong para sa kanyang mga kababatang mga kapatid. subalit ako ay nabigo dahil sa hindi inaaahan na pang yayari na pagkatapos na pagkatapos niya nagtapat siya saamin na siya ang mag aasawa na. Sobrang sakit saakin bilang isang Ina pero tinanggap ko pa rin. Nagkaroon na siya ng sariling pamilya. Binigyan ko sila ng kanting puhunan para makapag simula sila sa kanilang sariling hanapbuhay. Habang tumatagal lumalago ito. Natutuwa ako dahil kahit sa maagang pag aasawa niya natuto siyang mabuhay na sa sarili niyang pag sisikap para sa kanyang mga pamilya.

Dahil nag aaral pa ang mga anak ko, nagpursige kami mag asawa na makipag sapalaran sa ibang bansa para mabayaran ang lahat ng pinag kautangan naming noon. Uni unti kami nakakabayad at nakapag aaral pa ang aking mga anak. Nag tiis ako magtrabaho bilang OFW o katulong sa ibang bansa kahit hindi ako sanay sa mga gawaing mabibigat ginagawa ko ito para sa aking pamilya. Sa hindi inaasahan na pang yayai may nasagap akong balita mula sa aking pamilya. Ang anak kong babae na si Maica ay maaga na nag asawa. Sobrang akit sakin dahil nasira ang mga pangarap ko para sa kanya. Hindi siya nakapag hintay dahil pinag aaral pa naming ang isa niyang kapatid sa kolehiyo. Ikinalulungkot ko talaga ito na bigla siyang nag desisyon na mag asawa na lamang at hindi na naisip ang mga pangarap naming ay para sa kanya.

Maraming taon na lumipas. Nakapag tapos na ang aking mga anak sa koehiyo. Nabayaran na naming ang lahat ng pinag kakautangan naming noon. Dahil sa Apat na taon kong nag trabaho sa ibang bansa nagkaroon ako ng malalang sakit kaya nag pasya na ang asawa ko na umuwi na lamang at siya nalang ang maiwan at mag trabaho para saamin. Kahit mahirap na mawalay sa mahal kong asawa ginagawa ko ito para mas Lalo hindi lumala ang aking karamdaman.

Umuwi ako ng pinas at dito nalang mamuhay. Nag pasya ulit akong mag negosyo. Unti unti ko ito pinag sisikapan. hindi kasi ako sanay na nasa tahanan lang. mas gusto ko pa yung nasa lansangan na naghahanap buhay. Hanggang sa unti unti may naipupundar ako. nakakatulong pa rin ako sa mga taong malapit saakin sa mga problema nila. nag bibigay ako ng mga payo sa kung ano mas makakabuti para sa kanila. Nagkakaedad na rin ako. Humihina na rin ang mga Buto at Lumalabo na ang aking mga mata. Nag pasya ako na mag enjoy sa buhay ko. Gala dito gala doon. kasama ang aking mga kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Wonder WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon