One

19 1 0
                                    

“Para po!”

                Nang huminto yung Jeep , nagmadali agad akong bumaba. Nagpalingon-lingon muna ako sa kaliwa at kanan tsaka ko sinabayan yung mga tao na tumatawid papunta sa entrance  ng Infinity Mall. Humanay ako doon sa pila ng babae at inilabas na mula sa sling bag ko ang light tinted na shades ko. Pagkalampas ko sa entrance, sinuot ko agad yung. Pagkatapos huminga ako ng malalim.

Okay, this is it.

Pasimpleng inilibot ko ang mata sa paligid at minamataan ang anino ng pinsan kong si Olga. Nasaan na kaya yun? Naglakad-lakad din ako at pasimple pa ring hinahanap siya. Kelangan di niya ako makita kundi—

“Looking for someone?”

Natigil ako sa paglalakad at palihim na nagmura. Ito na nga ba ang sinasabi ko!

Argh..

Nakasimangot na nilingon ko siya. “Okay, nahuli mo ako.” Sumusukong sabi ko.

“Anak ako ng Pulis. Syempre, mahuhuli kita!” pagmamalaking sabi niya. Nakangising lumapit siya sa akin at tsaka inangkla ang braso niya sa braso ko. “ So, shall we?”

“Huh?” pagmamaang-maangan ko. “S-saan? May pupuntahan ka?”

“C’mon Bestfriend ng Ex-Crush ko—“

“Hindi ko sabi bestfriend yun!” buong giting na tanggi ko. At halos napapikit ako nang makita kong ngumisi siya.

Me and my big mouth. Grr..

“Whatever you say,” she said and then she gingerly lean her head to my shoulders. Excitement filled over her face. Nag-umpisa naman akong makaramdam ng kaba sa ekspresyon ng mukha niya.

Kelangan ko nang makaalis dito.

“I’ll be honest Olga. “ umpisa ko. “Napadaan lang ako dito sa Mall kasi nagpapabili ang kambal ng cake at—“

“They texted me kanina and I bought cakes to them immediately. Nandoon sa Chigos CakeShop pinaiwan ko muna. Daanan  nalang natin mamaya.” Walang anomang sabi niya.

“Ha? How—“

“Oh ayun!” Excited na tinuturo niya ang mga kababaihang nag-uunahan sa gitna ng ticket booth. Sa likod niyon ay isang open area at medyo malapad na stage na napapalibutan ng mga ginupit-gupit na hugis heart at sa gitna niyon ay ang malapad na banner ng movie na “It’s like Love” na ipapalabas dalawang araw mula ngayon. Ang main cast ng nasabing movie ay magkakaroon ng Mall Tour dito sa Mall.  “ Nagbebenta na sila ng ticket oh! Tara na!” hinila niya ako. Pero binatak ko siya pabalik.

“T-teka lang Olga. Ikaw nalang ang pumunta diyan. Alam mo namang allergic ako sa mga ganyan. At tsaka may gagawin pa ako. Dumaan lang ako dito para—“

“So..Hindi mo ako sasamahan?” madramang tanong niya. Gusto kong mapakamot ng batok sa nakikita kong reaction niya. Yung mata niya, nagtutubig na at pahikbi na rin. Hindi ko alam kung paano niya mabilis na nagagawa iyon. Pero..Naman! Alam kong nagdadrama lang siya at alam kong alam na alam niya din na effective ang pag-arte niyang iyon para mapasama ang isang gaya kong mahina ang puso sa mga bata at sa mga isip bata na tulad niya.

“Ililibre pa man din kita. May regalo pa nga ako sa kambal bukod sa cake eh.” Patuloy na pag-eemote niya. “ Alam mo bang hindi sa akin sumama si Odri dahil may sakit siya? Ikaw na lang ang inaasahan kong makakasama ko kasi sila Stacey nasa bakasyon. Sasamahan mo lang naman ako, hindi naman siguro mahirap na pabor iyon.Kung ayaw mo, sige wag nalang. Sanay na naman ako nang mag-isa. Sige na..“

Ay grabe, at talagang nangonsensya pa.

Napabuntong hininga nalang ako, tsaka lumingon-lingon.

“May hinahanap ka?”  nagtatakang tanong ni Olga sa akin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Got MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon