Chapter 8

14 0 0
                                    

Kim's POV

Pagkatapos nung kain sa canteen moment hinatid muna nila ako sa room tapos tsaka sila pumunta sa kung saan sila pupunta. (Malay ko ba kung saan yun)  tsk kailan ba kasi magihing tahimik buhay namin dito sa school na to.

*Bugs*(untog)

Aray ha ang sakit nun. (Mauntog ba naman sa poste eh!) Naglalakad kasi ako dito sa corridor kaya nga lang ang shunga ko lang di ko tinitignan dinadaanan ko sa paglalakad. Hays -_- tatayo na sana ako dahil napaupo ako sa sahig buti na lang walang tao dito kaya lang bigla akong may nakita na paa sa harapan ko.

"Tulungan na kita" sabi nya
Kaya naman ayun inabot nya ung kamay nya sakin at tsaka ako tinulungang tumayo.

"Salamat" syempre nagpasalamat naman ako dito sa lalaki teka hindi ko pa nakikita mukha nya eh.

"Di mo siguro tinitignan dinadaanan mo nuh? Kaya ka nauntog at natumba. "Sabi nya

"Haha. Oo eh" nahihiya at walang gana kong sagot.

"Tulungan na kita jan" pinupulot ko kasi yung mga notebooks at libro ko. Pinabayaan ko na syang tulungan ako sabi nya eh masunurin naman ako.

"Salamat ulit john dominic? "

"Haha wala yun.pero Your welcome na din"sabi naman nya "saan nga pala next subject mo? "

"Sa algebra class" sagot ko sa kanya.

"Tara sabay na tayo dun rin naman punta ko"sabi nya. (Teka dun din punta nya block mates kaya kami sa subject na yun?)

"Yun rin ba next class mo? " tanong ko

"Oo" tipid nyang sagot

The Un-ExpectedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon