habang naglalakad ako mag-isa sa gitna ng maingay na kapaligiran, mga taong walang magawa sa buhay,sasakyang napa-ingay at panahong nakikisimpatya sa EMO kong araw hindi ko lubos maisip na sa edad kong katorse ang rami ko na palang nakasalamuhang tao. iba't ibang pananaw, paniniwala, gusto - ayaw, paborito at kinamumuhian at kung ano-ano pa. iba't- ibang estado sa buhay at iba't-ibang antas ng pag-iisip. may ibang nagtatagal at meron din naman lumilipas lang at ang tanging naiwan sa kin ay ang karunungan na ipinagbilin sakin ng taong yun! masaya at nakakatuwa. dahil sa mga panahong yun, unti-unti kong nakikilala ang tunay kong pagkatao..
sa bawat yapak ng aking paa, bigla kong naisipang kausapin ang isang tao na may malaking parte ng buhay ko. nakakatakot at hindi man ako handa sinibukan kong lapitan at amuhin ang taong ito. abala din sya sa paglalakad at medyo busy at may kausap ata! nilakasan ko ang loob ko at bigla ko syang kinausap. "musta?" tanong ko sa kanya. noong una'y wala syang sinagot kundi tinanong din ako ng "musta?". sinubukan ko syang sagutin ng "OK lang naman ako, ikaw?" ganon parin sinagot nya rin ako ng "OK lang naman ako, ikaw?"
sa pagkakataong ito, napapikit ako at huminga ng malalim. nag-isip nang nag-isip. naguguluhan at unti-unting nawawala ang mga bagay sa paligid ko at ang tanging nakikita ko ay ang sarili ko at ang taong sinusubukan kong kausapin. sa pagkakataong ito, sinubukan kong tanungin ulit ang mama. hindi pa ako nakapagbitaw ng salita ay bigla syang lumingon sa akin at ngumiti. tinanong ako ng "MUSTA NA JAYVEE.?" masaya ba ang buhay mo!?" nanlisik ang mga mata ko. nagtaka at hindi mapakali. "bat nya ako kilala!? bat nya alam ang pangalan ko?! bat sya ngumiti na parang matagal na kaming magkakilala!"
dumating na ba sa buhay nyo ang minsa'y makausap ang sarili nyo? nakakatawa mang isipin dahil minsan nagmumukha kang tanga!? pero sa tingin ko kailangan. ang dami kong gustong itanong sa sarili ko. gaya ng BAT KA BA GANYAN!? ANO BA PLANO MO SA BUHAY!? HINDI KABA NAGSISISI SA MGA KASALANAN MO!? mga tanong na minsan iniiwasan natin dahil natatakot tayo sa katotohanan. mahirap sa mahirap pero kailangan. dahil sa oras ng pagkawala mo sa tamang daan, iisa lang ang tanging makakatulong sayo, at yan ang sarili mo!
sinubukan kong sagutin ang taong ito." mabuti naman ako, maraming problema pero ok lang ang buhay! parte lang yan ng takbo ng buhay ko. minsan masaya ako, minsan hindi. sa ngayon wala akong magawa, hindi na kasi ako muna magaaral.wala pa akong kaibigan dito sa aming baryo. At sunod sunod ang problema dumadating samin ng mga magulang ko. kaya nga biglang naging masakitin ako. konting tiis nalang ayos na ako. ikaw!?" at sa oras na yun hindi ko alam kung bakit ang dami kong nasagot! may laman ang sagot ko sa kanya may kirot at may gustong ipahiwatig. bigla syang yumuko at may binitawang salita! "ALAM MO JAYVEE ANG BUHAY GANYAN TALAGA. NAIINTINDIHAN KITA, RAMDAM KO KUNG ANO ANG NARARAMDAMAN MO. IISA TAYO. KUNG ANO MAN ANG NARARANASAN MO SA NGAYON DAHIL YAN SA TINAHAK MONG LANDAS. WALANG IBANG DAPAT SISIHIN KUNDI SARILI MO!" at sa mga oras na sya'y tapos na sa pagsasalita at bigla nyang hinulog ang isang barya..
Anong ibig nyang sabihin? ano ang gusto nyang iparating? sa muling hininga ko. bigla kong narinig ang ugong ng mga sasakyan. ang ingay ng batang umiiyak habang tinuturo ang lobo. ang daan ng hangin sa aking tenga. sinubukan kong hanapin ang taong kanina lang ay kausap ko, hindi ko sya nakita at ang tanging naiwan ay ang isang barya na itinuro sakin ng isang babae. "kuya piso mo nahulog!".
doon ko lang napagtanto sa sarili ko pala ang kausap ko. ang sarili kong matagal ng naghihintay ng atensyon ko. ang sariling kong laging nasa tabi ko lang at hindi ko pinapansin minsan. ang dami ko pa sanang gustong itanong sa kanya. ang dami ko pa sanang gustong pagusapan kasama sya. pero siguro ganon talaga ang buhay. hindi mo alam kung ano ang mangyayari. kahit nga sarili mo hindi mo makausap ng matino at masinsinan..
-JayVee