Simula

25 5 4
                                    

  Eto na ang lugar na sinasabi sa panaginip ko. Lugar kung saan maraming puno nasa gitna ng kagubatan at hindi ko mawari kung saang lupalop ako napadpad.

  Pero itong lugar na ito ang eksaktong lugar na nasa panaginip ko.

  Paano, paano  kita matutulungan sa lugar na kung saan mahirap matagpuan?

Napapapikit na ko sa frustration nararamdaman  ko, pero sa pagpikit kong ito may naramdaman akong pwersang nagsasabi saking lumapit sa punong nasa harapan ko.

Saktong pagmulat ng mata ko ay may mga letrang lumitaw at nagsasabing

"Kizrine Lyxaine Heidrix"

Napapikit ako dahil sa pagkahilong dulot ng pagbasa ko sa hindi pamilyar na pangalang nakaukit sa punong nasa aking harapan. Para akong dinadala sa ibang dimensyon ng mundo.

Pero panandaliaan lang pala ang hilong iyon, dahil sa mga imaheng ipinapakita sa aking pagmulat para itong flashback ng isang history. History na puno ng misteryo na humihingi ng hustisya.

Dito pa lang nag sink in sakin ang pahiwatig saking panaginip,nais ng pangalang nakaukit na tulungan ko siya ngunit paano? Ang buhay ko nga hindi ko maayos sa iba pa kaya?

Pero may isang bagay na nagtutulak sakin na alamin ang misteryong nakabalot sa mga imaheng ito.

Ng biglang may tanong na pumasok sa isipan ko, buhay pa kaya ang taong to pero kung titingnan ang lugar parang sinauna at makalumang kagamitan ang aking nasilayan.

At kung maayos ko ang kanya paano naman ang buhay ko, anong mapapala ko sa pagtulong sa taong wala namang koneksyon sa buhay ko.

Ang tanong wala nga ba? Kase bakit ako pa ang napiling magligtas sa kanya eh marami namang iba diyan na hindi magdadalawang isip na tulungn siya.

Masyado na pa lang mahaba ang aking pag-iisip ng mapagtanto ko na may mensahe sa hangin. At ng basahin ko, ito'y

"Tulungan mo kong mailigtas kahit hindi na ako kahit pamilya ko na lang parang awa mo na"

"Bibigyan kita ng isang linggo para magdesisyon pag nakapadesisyon ka na maari kang bumalik dito,pero makabalik ka lang sa mismong eksaktong lugar na ito kung busilak ang iyong puso sa pagtulong"

Doon ko namalayang naka balik na ko pero wala na ko sa gubat nasa kalsada na ko kung saan may nagdadaanang sasakyan.

Isang linggong pagdedesisyon para tumulong sa taong hindi ko kilala. Doon ko lang napansin na madilim pa pala kaya napagdesisyunan kong umuwi muna sa bahay kung saan wala akong kasama.

Hindi ko inakala na ang desisyong kong ito ang magbabago ng pananaw ko sa buhay at pag-ibig.

In the Middle of NowhereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon