"Ice."
Kunot-noong nilingon niya ako.
"Sobrang saya ko talaga."
Tinaas niya ang isang kilay, hindi niya siguro naintindihan agad ang nais kong sabihin.
"Sobrang saya ko kasi, alam mo yun, tayong-tayo na talaga. Akalain mong magugustuhan mo din pala ako, nagpakipot ka pa."
Tinutukan ko ang magiging reaksyon niya nang bigla nalang siyang humalakhak. Napaisip tuloy ako kung totohanan ang pagtanong niya sa akin na maging girlfriend niya.
Nalungkot ako sa mga pinag-iisip ko.Napawi na ang mga halakhak niya't biglang napalitan ito ng matamis na ngiti. Bipolar.
"I'm sorry. I'm sorry for waiting Baasha. I never thought that I will be able to like someone else. Thank you for the patience and perserverance. I promise not to break your heart."
Promises. Compromises.
The heat rush up to my face. I'm damn blushing.
"Korni neto! Halika nga, hug kita!"
Nakangiting lumapit siya sa akin, niyakap ko siya ng sobrang higpit, di ko inakalang mangyayari 'to. Sobrang saya ko.
Hinatid ako ni Ice pauwi ng bahay. Hindi na siya pumasok, nagtext na kasi si Ate Uzziah sa kanya one of my bestfriends, kapatid ni Ice hinahanap na daw siya nila Tita at Tito.
Pumasok akong bahay na may ngiti sa labi, hindi ko maipinta ang ngiti at ang sayang nararamdaman ko ngayon.
"Saan ka galing Baash?"
Halatang galing pa sa tulog si Kuya Joash, himala nga't nakauwi siya ngayon sa bahay, ang alam ko'y bahay na ang turing niya sa ospital na pinagtratrabahuan.
Si Kuya Joash ay Surgeon, Neurosurgeon sa isang Regional Hospital malapit lang din naman sa bahay namin ang ospital, wala lang talagang oras na umuwi ng bahay si Kuya dahil sa dami ng pasyenteng inooperahan galing sa iba't-ibang probinsya.Kaya ayaw kong maging Surgeon, kung mag dodoctor din lang ako, mas mabuting may oras ako sa ibang bagay.
Hindi naman kasi madali ang pagdodoktor, ibubuhos mo lahat ng oras at buhay mo para sa buhay din ng ibang tao.
Psychology.
Psychology ang napili kong field sa pagdodoktor. Gusto ko kasing maintindihan kung bakit ganito, ganyan ang behavior ng isang tao. Nagsuggest si Mommy na mag Psychology daw ako, at dahil nga gusto ko. I enrolled the course, and now I'm on my third year of studying.Doktor pareho ang mga magulang ko, Si Daddy ay Surgeon din, habang si Mommy ay dentista.
Parehong ibang field nang pagdodoktor pero pinagtagpo parin ng tadhana.Entrepreneurship graduate si Ice, linya ng kanyang mga magulang ang pagbubusiness, nagmomodel din dati si Ice kaya ngayon siya na nga ang isa sa mga may-ari ng business nila, siya pa ang model.
Ang laki din ng tipid nila. Napakamot nalang ako ng ulo sa mga naiisip ko."Kuya, kami na ni Ice!"
Masayang sabi ko sa kapatid ko na ngayo'y hindi din maipinta ang mukha sa narinig. Agad din namang napawi ang ngiti ko sa reaksyon ng kapatid ko.
"Mahal ka ba niya?"
Ouch. Natahimik ako sa tanong ni Kuya. Ba't ba ayaw niya akong maging masaya? maging masaya sa taong gusto ko?
"Baash, listen to me. Ice might hurt your feelings---"
I cut him out by speaking.
"I know Kuya. He might hurt me, but that's part of our relationship."