Pwede Ako Na Lang?!? (One Shot Story)

6.4K 114 36
                                    

Bakit ba mahirap magkacrush? Bakit ba ang hirap mainlove? Minsan kahit wala kang karapatan, nasasaktan ka, nagseselos ka.. Pero di ba sabi nga nila basta may nararamdaman ka may karapatan ka? Ang mahirap lang hindi mo siya masabi sa taong dahilan kung bakit ka nasasaktan dahil hindi ka handa para sa sasabihin niya. Na baka sabihin niya "Sino ka ba at ano ka ba sa buhay ko?"

Yan ata ang mga salitang ayokong marinig sa lalaking mahal ko.. Oo, may mahal ako pero hindi niya alam.. Bakit?? Katulad ng maraming dahilan, magkaibigan kami.. Sobrang close.. Yan ata ang dahilan kung bakit ko siya minahal.. Dahil sobrang close kami.. Pero yan din ata ang dahilan kung bakit hindi niya ako magawang mahalin.. Dahil sa close lang kami..

Ang hirap ng one sided love, hindi mo maiparamdam kahit na kulang na lang lumabas na ang puso mo sa twing nandyan siya sa harap mo.. Na kahit na halos himatayin ka na sa twing kausap mo siya.

Haizt....

Ang drama ko..

Pero sino ba naman ang hindi magdadrama kung ang makikita mo ang taong mahal mo may kasamang iba.. Ang sarap lang basagin ng screen ng laptop ko.. Nasa harapan ko ngayon ang picture ni Marco at Jasmin.. Ang sweet lang nila..

Di ko na matake kaya pinatay ko na lang yung laptop ko.. Dahil baka masira ko lang.

Humiga na lang ako sa kama at hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.. Naririnig kong tumutunog ang cp ko pero hindi ko pinapansin. Ang sakit-sakit pala magmahal, sana hindi ko na lang pinangarap. Bakit sa kaniya pa kasi? Bakit sa kaibigan ko pa at pinakaclose?

Parang hindi ako makahinga kaya tumayo ako at pumunta sa terrace namin. Napakalamig na simoy ng hangin dahil pagabi na. Gusto kong sumigaw, gusto kong ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Akala ko namamalikmata lang ako pero siya talaga yung nakikita ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Ayoko mang ipaalam na umiyak ako pero trinaydor ako ng boses ko.

"Anong nangyari sa yo? Kanina pa kita tinatawagan pero hindi mo sinasagot tawag ko? May problema ba Mitch?" Wow.. Gusto kong matuwa dahil sobrang concern niya sa akin pero alam ko naman na ginagawa niya lang iyon bilang matalik na kaibigan ko.

Tinignan ko lang ang mukha niya. Ang mata niya, ang matangos niyang ilong, ang manipos niyang labi..

"Bakit b ang hirap magmahal? Bakit ang sakit magmahal? Di ba sabi nila masarap magmahal? Pero bakit nasasaktan ako? Bakit ang sakit-sakit??"

"Huwag mo ng intindihin yun, madami pa diyang iba. Tumingin-tingin ka lang, lumingon.. Baka nasa tabi mo lang pala ang hinahanap mo."

Biglang tumulo ang luha ko. So, ganun lang ba yun? Wala ba talaga akong pag-asa sa kaniya? Ni hindi man lang niya sinabi na sana siya na lang. Sana siya na lang ang mahal ko

"Bakit di na lang ako? Bakit di na lang ako ang mahalin mo? Pwede, ako na lang? Ako na lang ang mahalin mo.." Napatulala siya sa sinabi ko, pero kahit ako nagulat sa mga sinabi ko, ano ba rong pinagsasasabi ko, kulang na lang umamin na ko sa kaniya... Ay hindi, parang umamin na nga ako sa kaniya. Ano ba naman yan.. Ang tanga ko talaga.

Bigla niyang hinawakan ang mukha ko. Nag-init to dahil sa ginawa niya. Alam ko na ang susunod na mangyayari dito... Sasabihin niya hindi niya ako mahal. Na maghanap na lang ako ng iba.

Pero iba ang ginawa niya.. Pinunasan niya ang mga luha ko na hanggang ngayon ay tumutulo pa din. Parang di sila nauubos. Tinitigan niya ako sa nga mata. Para akong nilalamon ng nga to.

"Kung kaya ko lang pagaanin ang nararamdaman mo. Gagawin ko. Wag ko lang makitang umiiyak ka."

Parang lalong nagbagsakan ang mga luha ko, hindi ko na ata kaya.. Tumakbo na lang ako sa kwarto ko at don nagkulong. Ayoko na. Ayoko na....

Pwede Ako Na Lang?!? (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon