Chapter 2

250 8 1
                                    

*

Napaka lawak ng ngiti ko ngayong umaga dahil feeling ko , magiging maayos at maganda ang araw ko ngayon . Isa pa , dapat ko nang ipraktis ang mga magaganda kong pagpproject sa harap ng cameras if ever sumikat ako . HEHE . Gagawin daw kasi akong “character inspiration” ni Kuya Kapitbahay sa gagawin nyang komiks . Biruin mo nga naman , komik-maker pala yun ? HAHA .

“Hi , Archiebabes . . .” 

Bigla akong nangilabot nang marinig ko ang malagong na boses na yun . Hindi ko na kelangan pang lingunin kung sino ang bumati sa akin dahil kabisadong kabisado ko na ang nakakatakot na boses na iyon . Nang hindi ako nagsalita , sya na mismo ang pumunta sa harapan ko at pinigilan ako sa paglalakad .

“Batiin mo naman ako . Namiss kaya kita . Ako ba hindi mo namiss ?” nakangiti sya pero nakakatakot pa rin ang mga mata nya .

Lalo akong natakot nang mapansing nasa parte pala kami ng eskwelahan kung saan kakaunti lang ang dumadaang tao . Natatakot na ako kaya nagsalita na ako .

“Tristan , diba bawal ka lumapit sa akin ? Gusto mo ba i-report na naman kita ?” sabi ko .

Nag-smirk ito pero lumayo din agad sa akin . “Ok , fine . Hands off ako sayo as of now . Basta ang masasabi ko lang sayo , ang ganda ganda mo lalo ngayon . Hehe .”

Tumalikod na ito at naglakad papalayo . Hindi ko mapigilan ang panginginig ng mga labi ko . Pakiramdam ko ,lahat ng kalamnan ko ay nanginginig pa rin sa takot sa kanya .

Naalala ko na naman tuloy ang mga pangyayari noong highschool ako kung kelan nagsimula lahat ng pahirap sa buhay ko nang dahil kay Tristan .

“Ate , bakit ganun si Tres ? Anong nangyari sa kanya ?Bakit sya lasing na lasing ?” nagtataka kong tanong kay Ate Cherish habang naglalakad kami papasok sa subdivision . 

“Saan mo sya nakita ? Saka paano mo nalamang naglalasing sya ngayon ?” nagtatakang balik-tanong ni Ate sa akin .

“Napadaan kasi ako kanina sa likuran ng bahay nila Steven . Dun sana ako dadaan kasi nasa front yard yung aso nilang si Benok . Alam mo namang takot ako dun sa pangit na asong yun . Aayain ko kasi sana kanina sina Steven at Kevin na maglaro ng Wii . Kaso nagulat ako nung nakita ko si Ate Dianne na galit na galit na pinagsasabihan si Tres . Muka nga kasing lasing . Ano ba nangyari sa mga yun ?” paliwanag ko . Nagpunta  kasi ako sa bahay ng mga pinsan kong kambal na sina Kevin at Steven . Si Ate Dianne na panganay , sya ang girlfriend ni Tres . 

Napatiim-bagang si Ate Cherish bago nagsalita . “Kasi sinabi ni Ate Dianne kay Tres na aalis na sya dahil sa States na nya ipagpapatuloy ang pagka-College nya . Sabi kasi nina Tita doon na daw si Ate mag aral . Saka na lang daw susunod sina Kevin at Steven . Edi yun , nag away yata sila kasi bakit daw aalis si Ate Dianne . Nag drama tuloy si Tres . Haaay .” 

Napakibit balikat na lang ako sa sinabi nya . Nagpatuloy kami sa paglalakad pero hindi pa rin maalis sa isipan kona naglalasing si Tres . Saka paano sya nakabili ng alak e minor pa naman sya ? Pagkakaalam ko e 17 pa lang yun e , ka-edad ni Ate . 

Simula nang umalis si Ate Dianne , napansin naming lahat ang malaking pagbabago ni Tres . Hindi na sya yung masayahin at makulit na kabarkada ni Ate . Naging para na syang monster . Lagi nya akong inaaway at sinisigawan . Noong una , hinayaan ko na lang sya kasi baka yun lang ang way of coping nya sa pag alis ni Ate Dianne . Pero habang tumatagal , naiirita na ako sa kanya .

Kahit na college na sila at hindi na pumapasok sa school ko , lagi nyang kinakaladkad si Ate Cherish para samahan sya na laging tumambay sa school ko . Isang araw , nagulat na lang ako kasi habang naglalakad ako , may biglang humila sa buhok ko . Medyo may kahabaan kasi ang buhok ko e , nasanay akona abot hanggang balikat .

Pretty Boy ProblemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon