Chapter 8

266 2 0
                                    

Ang konti naman yata ng nag babasa :( Wala naman yatang nag babasa eh? Huhubells.

-

Micayle's POV

Gawd! TGIF! Malapit na mag Sunday! Makikita ko na si Dorinaaaa! Ano kaya bibigay ko sa kanya? Bigyan ko kaya siya ng t-shirt? Eh ano ba size ng damit niya? Text ko kaya??

"Dorina, anong size ng damit mo?" Sent.

Sana mag reply.

Maya-maya.. May nag text.

"Medium. Why Micayle?"

"Ah wala wala. Sige, salamat :)"

Mamaya, pagka-uwian na, mag papasama ako sa mall kay Summer. Bibili ako ng damit para kay Dorina.

Bumaba na ko.

"Kuya! Tara na, pasok na tayo."

"Hindi ka ba kakain Micayle?" -Mom

"Hindi na po, sa school na lang po kakain." Sabay beso sa kanya.

Pumunta na kami ni Kuya sa labas at sumakay na sa sasakyan namin.

"Bakit hindi ka kumain? Mamaya magutom ka niyan." -Kuya

"Kakain nga ako sa canteen pagdating."

After ilang minutes naka dating na kami sa school ni Kuya..

"Oy, kumain ka ha." Sabay kiss sa forehead ko.

Umalis na ko sa parking lot at pumunta sa canteen. Nakita ko naman si Sky na kumakain. Bumili na ko ng pagkain ko pagkatapos pumunta na sa tabi niya.

"Buti nandito ka, wala kasi si Summer."

"Ah oo. Di kasi ako kumain sa bahay eh."

"Ahm.. Mamaya after class, gusto mo bang sumama samin? Pupunta tayong mall, may bibilhin lang."

"Sige ba. Tutal may bibilhin akong materials para sa project natin.."

"Ay oo nga pala noh. May bibilhin din pala ako para don."

Kumain na kami ng kumain hanggang sa maubos.

*BELL*

"Uy, tapos ka na Sky?"

"Oo, tara na. Baka ma-late pa tayo."

Umakyat na kami sa 3rd floor kung nasaan yung room namin. Binaba na namin sa loob yung bag namin tsaka kumuha ng rosary.

After ilang minutes tapos na kami mag rosary. Nag sipasukan na kami sa room. Mukang absent yata si Summer ah. Mukang kaming dalawa lang ni Sky ang magkasama sa Mall.

"Okay class, mag che-check tayo ng assignments nyo. Oh, wala si Summer? Absent?"

"Opo yata Ma'am, absent po yata siya eh. Maaga naman po yun pumapasok, imposible namang late." Sabi ko.

"Okay, Mag palitan na kayo ng notebooks.. Ang maka-perfect may plus sa quiz sa Monday."

Nakipag palit na ko ng notebook kay Sky. Siya kasi ang seatmate ko bukod kay Summer.

"Uy Sky, mukang tayong dalawa lang ang magkasama mamaya sa mall."

"Oo nga, absent kasi si Summer." Namumula siya.

"Eh bakit ka namumula?"

"Ah eh.. Namumula ba ko? Mainit kasi ehh."

If I know kinikilig siya kasi kami lang dalawa mamaya ang magkasama. Haha! Bihira mangyari yun, kasi madalas kaming tatlo ang magkakasama ni Summer.

Dorina Roxas (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon