Chapter 4: Let Go

174 15 1
                                    

Ilang linggo na rin ang lumipas simula nang mangyari ang ingkwentrong iyon.


At ilang linggo na ring naiinis si Kai sa sarili niyang nadarama. 


Di niya batid kung ano ang dahilan ng umuusbong na sama ng loob sa tuwing nakikita niyang tumatawa at ngumingiti si Kyungsoo na hindi siya ang dahilan.


Naaalala niya ang dati nilang pagsasama na kung saa'y nagtatawanan pa silang dalawa, parati silang magkatabi tuwing kumakain, parating pinupunasan ni Kyungsoo ang tumatakagtak niyang pawis sa tuwing natatapos ang kanilang ensayo, at ang pagpapa-inom sa kanya ng gamot sa tuwing nagkakasakit siya.


Wala siyang ibang magawa kundi ang sisihin ang sarili.


Walang ibang hinangad si Kyungsoo sa kanya kundi ang ngumiti siyang muli, oo totoo, napapangiti ang kaluluwa niya sa tuwing magkasama sila at dinadaldal siya ni Kyungsoo, pero di niya batid ang topak sa kanyang utak, kung ba't gusto nitong itaboy ang kasama.


Nang dahil sa pagpapa-iral niya ng walang kwenta niyang pride, nawala sa kanya ang taong tanging may kakayahang umintindi sa kanya. 


Kung sana'y ipinakita na lang niya ang mga ngiting nadarama ng kanyang puso, imbes na piliting itago iyon, hindi na sana siya nakararamdam ng ganitong kapighatian ngayon.


Si Kyungsoo, tumatawa sa kusina, habang kasama ang dalawang kasamang may topak, sina Baekhyun at Chanyeol.


Di niya mapigilan ang magdrama sa mga panahong iyon. Nang lumingon naman siya palayo para maiwasan ang tatlong nagkakatuwaan, nakita naman niya ang isa pang kasama na nasa pighati rin. 


Kasama niyang naging dahilan kung ba't siya nakaramdam ng sakit dati, ang nakababata sa kanyang si Sehun.


Di niya mawari, pero iba na ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita niya si Sehun na nag-iisa at nalulungkot. Kung dati'y inggit at galit, ngayo'y awa na ang nadarama niya para sa Maknae.


Sandaling nawala ang pagiging senti  niya nang tumunog bigla ang teleponong hawak.


Calling Tao...


Pinindot niya ang answer button ngunit bago pa man siya makapagbati ay isang iyak na ang narinig niya.


Iyak na parang dulot ng isang batang nagmamaktol na may boses palaka.


"Wag mo 'kong dramahan dyan crying Panda, pero di naman panda ang boses" wika niya sa nakababata.


"Tumigil ka nga! Sabi ni Gege, ayaw na daw niya sa akin, magastos daw ako tapos palagi pang nagpapabili, tapos ang iyakin ko daw *sniff*" sumbong sa kanya ng nakababata habang umiiyak ito sa kabilang linya.


"Eh ano? Totoo naman ah! Mabuti pa't umuwi ka na lang dito at itong isa ang dramahan mo, wag ako" sabi niya kay Tao na pumapatukoy kay Sehun.

Book 2: Please Smile (KaiSoo FanFiction)Where stories live. Discover now