Alam Mo Ba? (one shot)

631 19 3
                                    

Alam mo yung tipong may gusto ka sa isang tao at  

habang tumatagal lumalalim ang nararamdaman mo sakaniya.

Crush ko na siya simula highschool palang kami.

Hindi nagbabago yun hanggang ngayong Collage na kami. 

Mali, nagbago pala kasi dati Crush ko lang siya ngayon

Mahal ko na.

Alam mo ba marinig ko lang pangalan niya gumagalaw agad itong ulo ko para hanapin siya.

"Mandy nandiyan na si Bryan"

"Nasan?"  

"Joke lang! hahaha lutang ka nanaman kasi eh. Bumabalik ka lang sa katinuan pag binabangit ko ang name ng iniirog mo."

"Jasmin ang sama mo. Atsaka anung iniirog masiyadong malalim."

Pumunnta na kami ng sa basketball court dahil may praktis kami ng sayaw ngayon. Ako at si Jasmin ay kasama sa cheer dance. Nung una ayaw ko dahil hindi ko hilig ang sumayaw pero nung nalaman ko na maraming chance na magkasama ang mga cheer dancer at ang mga basketball player ay sumali na ako. Kasali kasi si Bryan sa basketball.

Kasalukuyan kaming nagprapraktis ng dumating ang mga basketball player. 

Alam mo ba makita ko lang siyang masaya buo na ang araw ko. 

Nagtatawanan sila pero si Bryan-ayun inaasar nila.

"hahaha si Bryan masiyadong nagmamadali makapunta dito."

"Wag kang mag alala nandito parin naman yung inspirasyon mo."

"Torpe kasi si Bryan bala ka pag ikaw naunahan."

"Ewan ko sa inyo ang iingay niyo." sabi ni Bryan. 

Nakatingin ako sakaniya nung biglang nagkatinginan kami-bigla siyang umiwas ng tingin. Napansin ko na namumula yung tenga niya.

Alam mo ba yung feeling na nag katinginan kayo ni crush.

Sumunod naman sa kaniya ang iba pang Wild Vermin- pangalan ng basketball team ng school namin.

"hahaha inlababo na talaga si Pareng Bryan tignan mo nga naman na sa wallpaper niya pa" sabi ni Kurt  player din ng Wild Vermin.

Bigla naman tumayo si Bryan sa pagkakaupo at pilit na kinukuha yung cp niya kay Kurt.

"Uy akin na nga yan." -Bryan

Nang nakuha niya na ang cp niya bigla naman dumating ang coach nila.

Alam mo ba ang feeling na may gusto yung crush mo kaso HINDI IKAW. 

Masakit.

Alam mo ba yung feeling na gusto mo siyang kalimutan pero hindi mo magawa. 

Naala ko nung highscool palang kami nung naka grupo  ko siya sa Foundation Day ng school. 

Dun kami naging close dahil si Jasmin ay Purple Team kami naman ni Bryan ay Blue Team. Sabay kami laging kumakain minsan pag tinatamad kaming mag praktis dahil sa paulit ulit na kinakanta ay tumatakas pa nga kami. Pag nasali siya sa game sa Foundation Day nandun ako taga cheer kapag ako naman ang kasali siya naman ang nag chi-cheer sakin. Kaso nga lang nung last day na ng Foundation Day narinig ko ang usapan nilang mag babarkada.

*Flashback*

Nasa harap na ako ng classroom nila Bryan. Kakatok na sana ako ng narinig ko silang nag uusap tungkol sakin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 06, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Alam Mo Ba? (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon