TOUCH ME NOT
BY: FourEyed4D
PROLOGUE: Kung iniisip nyo na ito ang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, p'wes, nagkakamali kayo. Kay FourEyed4D nga 'di ba?
CHARACTERS:
Alexa Anya Almarinez
Vince Jacob Davis
Gelo Magdayao
Valerie Jean Davis
Ram Legaspi
Bryan Sison
Mr. Danilo Almarinez
Mr. Virgilio Davis
CHAPTER ONE
ANYA”S POV
Hi. Una sa lahat ako si Anya. Alexa Anya Almarinez (I’m a battery, I know). Isang 17 years old na Filipina na excited na tumanda…ng one year. Hehe. Hindi dahil sa bonggang Debut Party o dahil pwede na kong bumoto, kundi dahil sa recording studio ng kuya ko. And if you’re not asking, laki ako sa musika. SAMPLE? Ehem…
“CAUSE THERE’LL BE NO SUNLIGHT IF I LOSE YOU BABY
THERE’LL BE NO CLEAR SKIES IF I LOSE YO BABY
JUST LIKE THE CLOUDS MY EYES WILL DO THE SAME…
EVERYDAY IT WILL RAIN, RAIN, RAIN!!! YEAH…”
“UMUULAN NA NGA! “
Grrr. Panira talaga ng umaga to. Baba ang gitara. Labas sa veranda. At sigaw:
“Hoy Mr. Angelo slash GELO Magdayao, kung hindi dahil sa magandang boses ko, edi sana matagal ng INULAN ang banda natin ng bato’t papel!”
“Bakit may sinabi ba kong panget ang boses mo?”
Jeez. Nakita ko na naman ang wicked grin nya. Nga pala, Siya si Gelo Magdayao, ang pilosopo kong best bud. At kung iniisip niyo na may feelings kami sa isa’t isa, uunahan ko na kayo…BEST BUD NGA DI ‘BA?
GELO’S POV:
Topak na naman si Anya. May sinabi ba kong panget boses nya? ‘la naman ah. Maganda naman ang boses nya, pero ‘pag galit, daig pa ang tigre kung manigaw. Pero kahit ganyan yan, mahal…..aga siya sa ‘kin. Syempre, siya ang vocalist namin, at kung wala siya, wala ang banda, at kung wala ang banda, wala na ang maganda kong pangarap, at kung wala na ang magand akong pangarap…ipagtanong nyo na lang ako sa smokey mountain, baka dun na lang ako magtatambol ng mga lata. Joke lang J Friday ngayon, ibig-sabihin, araw ng pahinga ko kali Anya…Well, just a habit. Pagpasok ko sa bahay nila, nakita ko si Mr. Danilo Almarinez, Anya’s father.
BINABASA MO ANG
Touch Me Not
RomanceLegacy is what we leave and what left to us. Valuing it is perhaps the best way to keep it alive. But our lives are full of what-ifs. What if you meet the man whom you will hate the most? What if this man will take this legacy from you? By hook or b...