"21th Century lovers"
Kung ikukumpara ang panahon ngayon at ang nakaraan,
sobrang dami na ng nagbago at dumami na din ang iba't-ibang pamamaraan.
Kasi mukhang nabubura sa ating kinasanayan kung ngayon inyong titignan ang ating mga kabataan,
Dahil kadalasan wala na silang pinipiling oras at panahon upang gamitin ang salitang pagmamahalan.Ano na ba ang basehan ngayon upang mahalin ang isang tao?
Kaylangan ba itong taong ito ay maeffort ng todo?
Baka ang kaylangan yung isusurprise ka ng magarbo?
O baka naman okay na basta may kotse at condo?
O di kaya yung isang taong handang ibigay lahat ng iyong luho?
O hindi kaya ito yung taong pwedeng ipagmalaki kasi maganda at gwapo?Eto na ba yung tinatawag na modernong pagmamahalan?
Na magpopost sa mga social media sites at sa ibang relasyon ay makikipagsosyahan?
Tipong Relationship goals dito relationship goals doon wala na bang katapusan?
Kasi dahil salitang "Relatioship Goals" na yan lahat na yata ng tao ay nagkakainggitan.Gusto ko ng ganong relasyon at gusto ko ng relasyong ganyan!
Hindi ba pwedeng wag tayong tumingin sa ibang relasyon at gumawa tayo ng sariling pagiibigan?
Na tipong kontento na tayo sa simpleng pag hatid at sunduan,
Na masaya parin tayong dalawa kahit magdate lang tayo sa fishballan.Kasi aanhin mo ang magrabong surprise niya sayo nung 1st monthsarry niyo kung hindi naman kayo magtatagal?
Kasi mas mabuti na yung hindi nagmamabilis at dapat ay nagmamabagal!
Kasi kung si pagong nga ay nanalo kay koneho sa paligsahan ng pabilisan,
Marahil masasabi ko rin na ito ang simbolo ng tamang pagmamahalan!
The more na magmadali ka lalo kang masasaktan,
At kung hindi ka naman nagmamadali marahil matutumbasan mo ang walang humpay na kasiyahan.Kasi hindi mo mababase sa salitang "Effort" at "Relationship Goals" ang pagmamahal sayo ng isang tao,
Dahil kahit kaylan hindi naging sapat ang materyal na bagay upang sabihin mo na mahal mo ako!
Dahil ang kaylangan ko ay ang oras at ang panahon mo!