“Kuya?”
Ibinaling ni kuya sa akin ang kanyang atensyon mula sa ginagawa niyang project.
“Bakit?” nakangiting tanong niya. Mga nigiting lagi kong nakikita sa kanyang mukha.
“Bobo ba ako?” mahinang tanong ko. Lagi kasi akong bagsak. Di tulad ni kuya na palaging one point something ang marka. Ako, laging flat five.
Tumawa si kuya sa tanong ko.
“Kuya naman”
“Hindi ka bobo Matt, “ hinawakan niya ako sa aking mga balikat. “wala namang bobo sa mundo eh. Tinamad lang kayo.” Ngumiti si kuya. Mga ngiting laging nagbibigay sa akin ng pag-asa.
“Matt?” bumalik ang aking ulirat sa kasalukuyan sa boses ng aking nobya. “Okay ka lang?”
“Okay lang ako. Naisip ko lang ang aking kuya” sagot ko sa aking nobya na katabi ko sa isang taxi. Patungo kami sa aking kuya upang icelebrate ang kaarawan nito.
“Ah..” humawak sa aking braso si Jen at sumandal sa akin. “Kuwentuhan mo na nga lang ako tungkol sa kanya. Proud ka naman dun diba. ‘Diba sabi mo last kaarawan niya mo siya huling nakikita. Miss mo na siguro iyon. Sige na. Kuwentuhan mo na ako.”
Napabuntong hininga ako sa pangungulit ng aking nobya.
“Okay, magkukuwento na ako. Medyo malayo pa naman ang byahe para di naman tayo ma-bored”
“Yehey!!!”
“Si kuya ay isang Electrical Engineering student katulad ko. Matalino siya at isang nerd. Isa –“
“Sandali lang..” sinapawan ako bigla ni Jen. “Nakuwento mo na iyan nuon eh. Yung lovelife naman niya ang ikuwento mo. Anong trabaho niya ngayon, may asawa na ba siya etc. “
Napayuko ako. Bumalik sa aking isipan ang mga pangyayaring nagpabago sa aking kuya. Mga pangyayaring nagtanggal sa mga ngiti ni kuya.
“Matt?” nagulat si Jen nang bigla akong natahimik.
“Oh.. okay, ikukuwento ko sayo ang lovelife niya.”
“Thanks beh, mwah”
“Tulad ng nasabi ko. Si kuya ay isang nerd. Libro ang lagi niyang kasama at pag-aaral ang laging inaatupag. Tambayan niya ang university library. Isa siyang genius. Maraming mga babae ang nagkagusto sa kanya dahil sa talino niya ngunit hindi siya interasado sa kanila. ‘Ika nga ni kuya ‘Woman is behind in every man’s downfall’ “
“’Di kaya,” sambat ni Jen. Napatawa lang ako.
“Kahit ayaw niya sa babae ay dumating pa rin ang araw na nakilala niya ang dalagang magpapatibok ng kanyang puso.”
“Talaga??” tumango ako sa tanong niya.
“Nasa ikatlong taon siya nuon nang makilala niya si Jen.”
“Jen? Kapangalan ko pa ha. itinakda talaga kayo ng kuya mo na Jen ang pangalan ng magiging nobya niyo. What a coincidence.”
Tumawa ako. “Naniniwala ka sa tadhana?” tanong ko.
“Oo naman. Hmpf. Patuloy mo na nga ang kuwento mo.”
“Okay. Si Jen ay isang simpleng babaeng tinaguriang ‘Double Kill’ sa unibersidad namin.”
“Double Kill? ‘Diba sa DOTA iyon?” pagtataka niya.
“Oo. Sa DOTA nga iyon. Tinagurian siyang Double Kill dahil laging dalawa ang bagsak niya every sem.” Napatawa si Jen.
“Naging kaklase ni kuya si Jen at nagtaka siya kung bakit ito palaging bagsak. Tinanong niya ito at napag-alaman niyang hindi pala talaga bobo si Jen. Dahil sa mga family problems ay hindi makapag-aral ng mabuti si Jen at palaging absent. Kaya lage siyang bagsak.”
BINABASA MO ANG
"Kuya"
Teen FictionKaya mo bang ikuwento sa iba ang mapait na kuwento ng iyong kuya???