Chapter five

24 1 2
                                    

Stephanie's POV

"Drake, I want you back" rinig ko na sabi ni Ysa.

Hoy! di ko po sinasadyang makinig ah! kasi babalik naman talaga ako sa room dahil naiwan ko pala yung wallet ko kaya di ako makakakain.

Pero ito ang nadatnan ko. Di ko talaga sinasadya at tsaka di ako chismosa.

Medyo lang hahahaha :)

"Ysa hindi na pwede" narinig ko na naman na sagot ni Drake.

Huh?

"Kasi hindi ko na binabalikan ang nabitawan ko na." tuloy pa nya.

Narinig ko naman ang pag-iyak ni Ysa.

"Drake I want you! I need you back!" pagsigaw ni Ysa.

"I'm sorry Ysa, I need to go."

tapos nagulat nalang ako na nandito na sya sa harap ko.

Tiningnan nya lang ako tapos umalis na, pagkatapos nun narinig ko nalang nagwawala at nagsisisigaw si Ysa sa loob.

Agad naman akong pumasok

"Ysa stop it!" sigaw ko sabay yakap sa kanya.

"A-ayaw ny-nya na sakin."

kahit hindi ko alam ang tunay na pinag-ugatan nito. Pero...

I feel her pain, sa tingin ko sobrang mahal nya si Drake.

"Ssshhhh Ysa stop na okay? he don't deserve you." pagcocomfort ko naman sa kanya.

"B-but I love him...so much"

wala na kong nasabi sa huling salitang binitawan nya.

*************

Tapos na ang break at nagsisibalikan na ang mga classmate ko,

Pero wala paring Drake na dumadating.

"Asan kaya siya?" bulong ng katabi ko na si Ysa.

speaking of... ayan na sya.

dire-diretso lang sya na umupo sa pwesto nya.

Aba! Ang cool nya talaga!! kaya nga cru---

STOP IT STEPHANIE MAGAGALIT SAYO SI YSA!

Habang nagka-klase di ko maiwasan na tumingin kay Drake. Nilalaro lang nya yung ballpen nya.

Tsss ang gwapo pala talaga ng lalaking to! :">

Nagulat nalang ako ng mapatingin sya sakin? sakin pa talaga?

Tapos...bigla nalang syang ngumiti. Tsk tsk ayan na naman ang makalaglag panty nyang ngiti.

Hindi ko alam kung bakit pero napangiti din ako.

Pagkatapos nun tinuon ko na ulit yung atensyon ko sa teacher. Parang bigla akong na-motivate na mag-aral e hahahaha.

pagkatapos ng madugong pagdidiscuss! uwian naaaaa!

"Class dismissed" pagsabing-pagkasabi ni Ma'am nun e agad-agad namang nagsitayuan at nagsilabasan ang mga kaklase ko.

Di naman sila excited umuwi e noh? sa tingin nyo?

"Oy Steph! di ka pa uuwi?" tanong ni Mercy yung isa kong classmate.

"Ahhh uuwi na din, aayusin ko lang gamit ko"

"Ahhh sige una na ko babye."

tapos umalis na nga sya.

ako nalang pala mag-isa sa room.

Habang nag-aayos ako ng gamit bigla nalang may kumalabit sakin

O_O

--------------

A/N: Hihihi sorry sa panget na update babawi ako promise!

Votes And Comments :*

-GwennieViolet

The Way He SmilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon