Kirsten's pt.2 (3 of 5)

2 1 0
                                    

Di ko pa din malimutan yung pagsigaw ko sa kanya. Alam kong kanina pa yun kaninang kanina pa. At ngayong gabi na? Bakit di ko pa din maiwasang isipin?

Ilang beses na din akong nagpa ikot ikot sa kama ko, makatulog lang pero juske. Bat di ako makatulog?

Kinabukasan alas nueve yung klase namin. Muntik pa akong ma-late, dahil last minute na akong nakarating sa room. Napansin naman nila Rochel na bakit daw mukha akong puyat. Sabi ko na lang kalalabas kasi yung Ep. 5 ng LOTBS tapos inulit kong panoorin yung Ep 1-4 ulit. Kaya ayun naintriga sila, naintriga sila kung ano daw ba yung LOTBS. Kaya sige na, pinasahan ko na lang sila.

Nung vacant namin, gusto ko nang lapitan si Crezen ang OA kasi di ako pinapansin.

Palapit na siya sa akin ngayon, pero siguro naman di sa 'kin ang deretso niya. Kaya ako na mismo ang sumalubong sa kanya.

Sabay hila papunta sa Cafeteria. Nagulat siya. Mukhang ayaw niya pa ngang sumama e. Kasi sabi niya bakit hindi na lang daw sila Rochel, Kathy, Erie & Erin. Buti na lang nagpapasa sila ng Episodes. At ang galing lang yun yung narason ko.

Lumipas yung maraming araw mas naging close kami. Kinukwentuhan ko rin siya ng mga nakakakilig na scenes sa mga pinapanood ko. Pero alam kong di niya naiintindihan yung kinatutuwa ko. Tumatango-tango lang kasi siya. Pero okay lang atleasttttt.

Isang araw, hiniram ko phone niya. Para naman nagegets niya ako minsan. Pinasahan ko lang naman ng mangilan ngilang episodes ng Kdramas. Sabi ko panuorin niya na lang yung iba sa YouTube. Haha.

Saka para naman di siya magselos, sa mga kinukwento kong mga asawa ko. Haha joke.

December 8, the night before my birthday. Paulit ulit kong tinatanong yung sarili ko kung may makakaalala kaya sa 'kin bukas? Pero, normal day lang naman siguro na naman as usual. Saka ang last kasi na birthday celebration ko, 6 years old pa ako. Nung nandito pa yung Daddy ko, nung hindi pa siya sumakabilang bahay. Oo, bahay talaga!

Natigil yung pagmumuni muni ko nang biglang mag pop up yung phone ko. May nag send ng friend request sa king JC Garcia. Pinindot ko yung View Profile.

JC Garcia Tapos may nakaparenthesis sa gilid na (January Ceia). Siguro yun yung pangalan niya. Siguro pinanganak din siya ng Month of January, wala lang hula ko lang. Pero unique pangalan niya ah. Astig!

Hindi ko siya inaccept di ko naman siya kilala e. Kahit na ba si Jisoo yung profile pic niya. Di ko na rin siya inistalk. Puro shares lang naman yung nasa timeline niya.

Kakalapag ko pa lang nung phone ko, nang mag pop up ulit. Sa messenger naman ngayon, JC Garcia sent you a message request. Sino ba 'to?

In-accept ko na yung message request. Binasa ko na din "Hi ate! Ano ka ni kuya?"  Ha? Sinong kuya? JC Garcia, JC Garcia, JC Garcia, JC Garcia. Ang common naman kasi ng last name. May ilan ilan naman akong kilala na Garcia.

Bumalik ako sa Facebook, in-view profile ko ulit. Titingin sana ako ng pics niya sa upload pics at Albums kaso naka private. Tss. Kaya tinignan ko na lang yung profile niya. Hindi naman pwedeng siya 'to, si Jisoo to. In-swipe left ko para makita yung previous pic niya. Si Selena Gomez naman. Next, si Emma Watson naman. Next si IU naman. Next, Chloe Grace Moretz. Next, Ghad! Songsong. Last na talaga to. Pag wala, ay naku! Hay! Wala lang, wala na.

Next, finally mukhang siya na 'to. Siguro mga nasa Highschool pa lang 'to. In-swipe left ko ulit. Siya nga yun. Pero may something e. In-swipe left ko ulit.

Parang nakita ko na siya.

Ah. Siguro. Nagkakasalubong kami sa mall?

Hindi e.

Akala Ko Lang PalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon