Chapter 2

11 0 0
                                    

Juliana Alliyah's POV

Ryojin, Ryojin,Ryojin...

Playboy kana? Bakit?

"Alli!"- tawag ni Yeoni.

Nilingon ko sya. Nasa loob kami ng isang roomm at nakalagay sa pader nun ang "Ryojin's Haters Club"

Nakita ko roon ang picture ni Ryojin at nakumpirma kong sya nga yung EX ko.

Si Ryojin Alcantara.

"Ano yan? Biktima ni Ryojin?" tanong ng isang lalaki roon na nakaupo sa ibabaw ng mesa.

"Nope. Newbie sya. At dinala ko na sya agad dito para makilala na nya agad kung ano'ng klase ang taong yun. Bago pa sya mabiktima." sabi ni Yeoni.

Pinaupo ako ni Yeoni sa isang silyang naroon.

playboy na ba talaga sya?

-

-

-

-

Ang dami ko nang hindi alam tungkol sa kanya.

 "By the way Alli nandito tayo para maipakilala ko na sayo agad ang Ryojin na tinutukoy ng karamihan sa campus,. Karamihan sa mga babaeng naririto ay naging girlfriend na nya. Sinaktan, iniwan ng walang paalam. Kaya ko sinasabi to sayo dahil baka mamaya o bukas ikaw na ang biktima nya...walang babaeng hindi nagdadaan kay Ryojin sa eskwelahang ito." mahabang litanya ni Yeoni.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o ano??

Ouch! Bakit ako nasasaktan??

"Yeoni naging biktima ka din ba nya?" paniniguradi ko'ng tanong.

"Nope! Dahil sa kapatid nyang si Daniel." - Yeoni sabay turo dun sa lalaking nakupo sa mesa.

May kapatid sya? Ang dami ko na talagang hindi alam dito.

Sabagay, ilang taon ba ako'ng nawala?

Ang dami nang nagbago, maski ang kapatid ni Ryojin na tinutukoy ni Yeoni ay hindi ko ito kilala.

"Yeoni pwede bang mag-cr?"paalam ko; hindi ko na talaga kayang pigilan yung luha ko eh.

"Go!"pagpayag ni Yeoni.

Dagli na akong umalis sa loob ng room na yun at tinahak ang daan patungong cr.

Doon ko ibinuhos ang luha na kanina ko pa pinipigilang pumatak.

Bigla namang may babaeng maganda pero mukhang maldita yung istorbong pumasok.

Tiningnan nya ako. Pinahid ko kaagad ang luha ko.

"Wow! Biktima ka ni Ryojin?" tanong nya. Por que ba umiiyak niktima agan nya???

|Imbes na sagutin ang tanong na yun ay umalis ako sa harap nya at lumabas ng cr.

Habang madaling - madali ako sa paglalakad - may magshota akong nabunggo.

"Sorry hindi ko------------------------------------"

Hindi na natuloy ang sasabihin ko'ng iyon dahil nagulat ako sa kaharap ko ngayon. RYOJIN??

May kasama syang babae at hawak nya ang kamay nuon... Nung oras na yun nagkatitigan akaming dalawa, nangilid ang luha sa mga mata ko. Muling bumalik sa ala-ala ko ang nakaraan. Hindi ko alam kung papaano ako magsasalita.

"Ah... I'm sorry."sambit ko bago tungo at naglakad ng mabilis palayo roon. Doon ko na hinayaang pumatak ang luhang kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko.



Naging Playboy ang EX koWhere stories live. Discover now