Chapter 1 - Rin Laxamana

12 1 0
                                    

Newton's law of motion,

1st law of motion

Law of inertia, sabi ni newton ang lahat nang bagay ay hindi gumagalaw maliban nalang kung may isang bagay na magpapagalaw dito, ang isang bagay ay hindi hihinto sa pag-galaw kung walang bagay na magpapahinto rito.

Sa madaling salita, walang bagay sa mundong ito ang masasabing nagkataon lamang. Ang lahat ay may dahilan, ang lahat ay may taga gawa o sa English "doer of the action". Kaya naman upang patunayan ang sinabi ni newton, ako si Rin Laxamana ang inyong lingkod ay ibabahagi ang istoryang ito.

Isang kwento, na nabuo sa loob nang ilang taon isang kwento na halos hindi ko namalayan ang pagtatapos. Isang kwento na magsisimula saakin mismo.

...................

Umaga ika-8 buwan sa kalendaryo nang kasalukuyang taon.

Unang araw nang pasukan, unang araw na rin nang pagpasok ko sa kolehiyo. Im 18 years old, nasa 168cm ang tangkad, katamtaman ang laki nang katawan ay may suot na salamin. Oo malabo na kasi ang mata ko lumabo dahil sa bagay na lagi kong ginagawa yun ay ang pagiimbistiga.

Isa akong junior detective nang isang detective agency, siguro nagtataka kayo pano naging detective ang katulad kong 18 palang?. Pwes nasa lahi na kasi yan. Ang papa ko ay isang kilalang detective halos nasa 90% nang nahawakan niyang kaso ang kanyang nalutas habang ang 10% naman ay kung hindi ipinasara nang korte ay ipinahinto naman nang mga kamag-anak. Kaya kung iisipin halos lahat nang kaso na inimbistigahan ni papa ay nasolve niya.

Si mama naman ay isang magaling na abogado. At isa siyang abogado para sa mahihirap. Marami na siyang na-ipanalong kaso at ang halos kalaban nito ay ang mga kilalang tao. Ngunit ang dalawang taong ito ay wala na ngayon.

Sa araw nang kaarawan ko dalawang taon bago ang kasalukuyang taon, nadatnan ko nalamang na nakahandusay ang aking ama at ina sa aming sahid. Duguan at parehong wala nang buhay. Ang bawat isa sakanila ay pinatay ngunit sa loob nang dalawang taon walang nakalap na ibidensya ang mga pulis sa kung sino ang salarin. Kaya naman magmula noon nangako na ako sa sarili ko na hahanapin ang kung sino man ang pumatay sa aking mga magulang at pagbabayaran nito ang ginawa niya sa mga magulang ko.

habang papasok ako sa eskwelahan pinagmamasdan ko ang paligid, ugali kuna kasi na pagmasdan ang mga ito at nakakatulong din ito para mapataas pa ang antas nang aking kakayahan.

Sa pagpasok ko sa gate, isang babae ang aking biglang nabundol. Ako ay papaliko papasok, habang siya naman ay palabas. Dahil tumatakbo siya nang kami ay magbunguan, napaupo siya sa sahig at ang dala nitong bag na parang mamahalin pa ata ay tumilapon sa may banda saakin.

Ako ang unang tumayo saming dalawa, at habang nakikita ko siyang parang nasaktan dahil sa pag-bubunguan namin. Minabuti kunang kunin ang tumilapon niyang bag at iabot ito sakanyan, Habang patayo siya sa kanyang pag-kakaupo at pinapagpag ang sumayad niyang damit sa sahid.

Iniabot ko ang kanyang bag, at animong walang nangyari na umalis. Ngunit isang malakas na sigaw ang narinig ko mula sakanyan. Na nagpahinto sakin at nagpatingin sa mga tao

" magnanakaw"

Malakas na sigaw niya at ang lahat ay nagtinginan at ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko na namalayan na para bang biglang nag blackout tapos pagsindi nang ilaw nasa councillors office na ako. Well lutang ata ako sa mga oras na yun dahil sa sobrang dami nang mga kaso na hinahawakan ko dahil sa vigilanteng tinawag ang sarili niyang "eye".

"teka ang pangalan mo ay ZYRINE ZEY LAXAMANA?"

Tanong nang taong nakatayo ngayon saking harapan, siya ang guidance counselor nang eskwela namin at nandito ako ngayon nakaupo dahil ako ang pinag-kakamalang nagnakaw sa walet nang babaeng nakabungo ko kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

 The EyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon