Chapter 19

16.1K 633 16
                                    


Chapter 19

KEIRA WAS busy watching over Celeste kaya hindi niya napansin ang pagdating ng ibang myembro ng mafia. Nagulat nalang siya nang umupo ang mga ito sa di kalayuan sa labas ng restaurant habang ang iba naman ay naglakad palapit  sa babaeng madalas niyang makasagupa. May sinasabi ito at dahil napakalayo ng distansya niya sa mga ito ay hindi niya alam kung ano iyon, pero siguro ay may kinalaman iyon kay Celeste.

Yumuko siya ng bahagya nang bumaling ang isang capo sa loob ng restaurant kung nasaan siya.

"Oorder na po ba kayo, ma'am?." Tanong ng waitress na halata sa mukha ang pagkainis dahil kanina pa ito lumalapit sa kanya at nagtatanong kung ano ang i-oorder niya.

Ngiting aso ang itinugon niya. "Mamaya nalang siguro."

Nakita niya ang pag-irap nito, pero hindi na niya iyon pinansin pa. Naiintindihan naman kasi niya ito.

Ilang oras pa ang hinintay niya bago natapos ang photoshoot ng mga kababaihan. Kay Celeste na kaagad ang paningin niya pero hindi rin niya winala sa paningin niya ang babae.

Muli ay ibinalik niya ang paningin kay Celeste nang may lumapit na lalaki rito. Tumingin pa ito sa gawi ng mga kalalakihan at mabilis na hinila si Celeste palayo sa mga taong naroon.

"Wrong idea, man." Bulong niya sa isip saka tumayo at mabilis na lumabas sa restaurant.

Nasa daan palang siya nang may makasalubong na siyang lalaki na may tattoo sa leeg na scorpion, tanda na ito ay isang mafia.

Kaya naman, pasimple siyang naglakad palapit rito. Ang akala niya ay hindi siya papansinin nito, pero laking gulat niya nang bigla ay dakmain siya nito sa bagong bili niyang leather jacket. Mabuti nalang at hindi gaanong mahigpit dahil nagawa pa niyang tabigin ito.

Sinipa niya ito sa tagiliran dahilan para mapaupo ito. Aatakihin sana niya itong muli upang matumba na talaga nang mahagip ng kanyang paningin ang iba pa na nasa gilid ng van at sakto naman na matanaw niya sina Celeste na patungo sa gawi nila.

"Habolin niyo siya!." Sigaw ng isang lalaki.

Kaya naman mabilis niyang kinuha ang barili nito saka siya tumakbo palabas ng resort at nagtungo kung saan niya ipinarada ang motorsiklo niya.

At doon niya napagtanto ang lahat. This was just a trap. It's not about kidnapping Celeste Herrera at all. It's all about her!. At nadamay lang si Celeste. Celeste is just a bait.

Kaya pala, kakaiba ang ikinilos ni Denise, siguro ay sinabi na ni Lourd Zoldyk dito kung sino siya at baka si Giovanni ay alam na kung ano at sino siya sa mafia.

Now, she doesn't have anyone inside the mafia. Lahat ay kalaban na niya. Denise and Giovanni. .

'Damn it!.' She hissed.

Isinukbit niya ang baril sa kanyang tagiliran at isinuot ang helmet saka binuhay ang makina. Papaharurotin na sana niya ang motor nang lumabas naman ang kotse kung saan nakasakay sina Celeste at ang lalaking kasama nito.

Sumunod naman ang puting van at dalawang kotse dito.

Sinundan niya ang mga ito at dahil mabilis ang mga ito at marami ding sasakyan sa kabilang linya ay hindi niya magawang maka-overtake.

Nasa ganoong sitwasyon siya nang mula sa rearview mirror ng motor niya ay nakita niya ang tatlo pang kotse na nakasunod naman sa kanya.

"Shit!." She hissed.

Doon ay binilisan na niya ang pagmamaneho. Mabuti nalang at wala ng masyadong sasakyan sa kabilang linya at nalampasan niya ang mga sasakyan na humahabol sa kotse nila Celeste.

ADONIS SERIES 1: AQUARIUS MONTEMARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon