Chapter 2: CouzFriend

9 9 1
                                    

Bumaba na ako para makita ang nakabangga ng kotse ko. Bwisit na to!!

Nagulat ako ng lalaki pala to.

Hindi pala akin ang nasira sa kanya.

"Hoy Miss!!! Bakit ba tatanga tanga ka? Hindi ka natingin sa dinadaanan mo!" Sigaw ng lalaki saakin. Ako pa ngayon ang tatanga tanga.

"Hoy ka din. Hindi ako tanga ikaw ang tanga, dadaan lang ako ng bigla mong iepal ang bulok mong sasakyan!!" Bwisit na lalaking to. Akala ang ganda ng sasakyan.

"Bayaran mo ako!!!" Aba? "Bayaran mo ako binangga mo ang unahan ng kotse ko!!!"

Pangungulit nya saakin.

"Anong nasira? May maayos pa ba dyan sa sasakyan mo? Parang halos naman lahat yata ay bulok na!" May gawa pa ba don?

Nagtaka naman sya.

"Ahhh ehh basta. Hindi porket babae ka at maganda ay Hindi mo na ako babayaran, kahit saan ka magpunta sisingilin parin kita!" Aba sumosobra na sya. Nakapamewang pa ang loko.

"Basta. Wala akong babayaran!" Akmang sasakay na ako ng Kotse nang hawakan nya ang braso ko. "Bayaran mo ako!!!" Ano ba? Hindi ba sya titigil babayaran ko ang bulok nyang sasakyan? "Ayoko!! Kahit bayaran ko wala nang maayos dyan!" Sagot ko sakanya.

"PAG HINDI MO AKO BINAYARAN MAPIPILITAN AKONG IPAPULIS KA!" So? Ngayon pinagbabangtaan nya ako. Kumuha ako ng papel at sinulat don ang pangalan at number ko. Para matahimik na sya.

"Oh!" Binigay ko sakanya ang papel. "Tawagan mo ako, mamaya pagusapan natin sira ng bulok mong Kotse!" Tumango naman sya. At umalis na. Parang bakla.

*****
Nakarating na ako sa bahay. Hooo!! It's a very tiring day.

"Mom!!! Dad!!! Kuya!!!" Sigaw ko. Nasaan ba kaya sila?

"Yes baby??" Nasa dining lang pala. Oo nga pala may bisita daw. "I'm home"

Kiniss ko si Mom at Dad sa cheeks. Niyakap ko naman si kuya. Yep close kami. Since we're kids ganito kami pinalaki ni Mommy dapat close. Hindi katulad nang ibang magkapatid laging nagaaway. May iba namang hindi.

"Baby, kumain ka na. And of course this is my friend Tasha Young and her husband Nathan Young they are the owner of T & N company. Say hi to the" ahhh sila pala yon. Weh Hazelle kilala mo sila? Basta chickang kilala.

"Hi po" nakipagshake hands naman ako sakanila "Hello iha, you're so beautiful naman. Gusto kong magkaroon ng manugang na katulad mo, next time ipapakilala kita sa anak ko."ahaha si tita Tasha talaga. May anak na pala sya, mukha kasing dalaga pa.

"Hahaha" napatawa naman si Kuya, siguro inaasar na nya ako sa isip nya.

Natapos ang kainan. Brpppp!! I'm so full.

Dumeretso pa sa sala sina mom. "Mom, akyat muna ako, uhmm Tito, Tita una na po ako"

"Okay." Sabi nila.

Hayssss!!! Makapag Facebook na nga lang, buti nalang naisip ang fb. Buti nalang naimbento ni Mark Zuckerberg ang Facebook nong February 4, 2004. Kung wala ehh di sana walang mapapaglibangan ang mga kabataan ngayon.

Finally Found YouWhere stories live. Discover now