Chapter 1

43 4 0
                                    

 “GOOOOODMORNING MA!” Bati ko sabay lundag sa kama.

“AY PEKLAT! Anak naman sa tingin mo magiging good ang morning ko eh muntik na kong atakihin sa puso dahil sayo!”

“HAHAHA omg ma your face was priceless” Ang sakit ng tiyan ko, yung muka kase ni mama pang grammy awards.

“Letse! Ano bang trip mo ha? Lagi ka nalang hyper!” Inis na sabe ni mama habang kinuha niya yung unan tas tinaklob sa ulo niya.

“Ganyan talaga pag maganda staka dapat lagi akong may energy dahil ako si ….. WONDERWOMAN!” Niyakap ko si mama ng mahigpit tas hinalik halikan siya.

“Anak please alas kwatro palang mamaya mo na ko bwisitin pwede?”

“Ehhhh ma gising na, wala kase akong magawa.”

“Linisisn mo yung inidoro.”

“Tapos na.”

Tinitigan niya ko. “Abnormal ka talaga no?”

“Mana lang sayo.” Nag super smile ako.

Wala kase talaga akong magawa. Tapos na kong maligo, kumain, nilinis ko na nga yung buong bahay eh. I’m just so excited cause today is the first day of school and I’m finally a senior! WOOT WOOT.

“Hayy nako maaga akong tatanda sayo. Sige na babangon na po Nanay!” Tumayo siya tas bigla akong binato ng unan.

“Aray! Nanay ka diyan I’m just 16!” Kunwaring inis ako pero nag smile din ako sa huli. Ganyan talaga kame ni mama parang tropa lang. 17 years old kase siya nung pinanganak niya ko kaya bagets parin. Si papa naman di ko na nakilala, sabe ni mama “Nilayasan tayo ni gago dahil di niya tayo kayang ipaglaban.” Ang kwento sakin ni lola galing sa mayaman at kilalang pamilya si papa kaya yung mga magulang ni erpats, di tangap si mama lalo na nung nabuntis ito. So pinalaki akong mag isa ni mama.

“HOY MIA! GINISING GISING MO KO TAS DI MO KO SASAMAHAN? BUMABA KA DITO!”

Agad akong bumaba tas nakita ko si mama naka upo sa sala naglalaro ng Guitar Hero sa ps3. Hayy merong mga nanay na adik sa bingo, sugal, shopping pero and nanay ko adik sa video games!

“Ano pang tinatayo mo diyan? Wala kang magawa diba? Dali 2 player tayo.”

“Eto naaaaa.”

Naglaro lang kame ni mama hangang sa mag 6. Ang pasok ko kase 7:30 kaya kahit medyo maaga pa pumasok na ko. Excited nga kase diba?Pumasok ako sa gate ng AGDA Academy dala dala yung bike ko, malapit lang naman kase yung school kaya para tipid bike nalang.

“Uy Mia kamusta?” Nakita ko si Manong Reden na nakangiti sakin. Elementary palang ako guard na siya dito kaya close kame niyan.

“Goodmorning Manong Reden! Ayos lang po, kayo?”

“Ayos lang din. Oh bilisan mo marami ng tao sa loob.”

“Talaga po? Sige una na po ako!”

Dumeretsyo ako sa gym at nakita kong marami ngang tao. Kala ko pa naman ang aga ko.

"MIA!"

Lumingon ako sa boses nang makita ko si Shiela, bestfriend ko. Ehmeged na miss ko tong bruhang to! Sa batangas kase siya nag bakasyon kasama nung pamilya nung boyfriend niya, si charles bestfriend ko din. Taray no? Buti pa siya may boyfriend ingit ako </3

"BEB!" Sigaw ko. At dahil baliw kameng dalawa tumakbo kame ng slow-mo palapit sa isat isa. Pinagtingin kame ng ibang mga estudyante pero di kame masyadong pinansin. Sanay na sila.

"T*t* namiss kita!" Hala gago tong batang to -_-

"HUY bastos ka! namiss din kita!" Sabay nagyakapan kame sa gitna ng gym.

"Tara na beb tignan natin kung saang section tayo napadpad." Hinila ako ni Shiela papunta dun sa bulletin board.

Hmmm Santiago. Santiago. Nasan na ba yung pangalan ko? Nag enroll naman ako ha bat parang wala ako dito?

"Beb! IV- PTOLEMY ka, classmates tayo!" Talaga? agad akong pumunta sa listahan ng Ptolemy at nakita ko nga,

SANTIAGO, Mia Angela P.

Tinignan ko din yung ibang mga nasa listahan. Kilala ko naman lahat maliban lang sa mga new students. Binilang ko yung mga bago 3 lang. Lozano, Aguigam at Parker. Uy sosyal Parker. Fo-renger siguro to, sana gwapo :”> Haha landi ko.

"Hoy mga t*t*!" Ano ba?! kelan ba nauso tong tawagan na to? :'( Lumingon kame ni Shiela tas ayun nakita ko ang bruha, si Kat kaibigan din namin.

"Hoy gaga di ka na nahiya! ang daming tao oh" Sigaw ko habang naglakad papalapit sakanya.

Di niya pinansin yung sinabi ko at niyakap lang kame ni Shiela.

"Anong section niyo?"

"IV Ptolemy tayong lahat kaya wag mo ng tignan yung board." Sabi ni Shiela.

"Yun naman pala, tara lets na sa classroom."

Pag punta namin sa classroom ang daming taong nakaharang sa pinto. Ano meron? Eh hindi pa naman time ha. Naki chismis tuloy kame.

“Uy ano meron?” Tanong ko sabay kalabit dun sa babaeng nasa harap ko.

“Oh Mia, Ptolemy ka?” Si Mapple pala.

“Oo bakit?”

“Swerte mo girl gwapo nung kaklase mo!”

“Gwapo daw!” Si Kat talaga pag may gwapo handa ng lumandi.

“Saan?” tanong ni Shiela.

OA naman kahit naman gwapo yan kung pag kumpulan ng mga toh, kala mo artista. Bakit si Lee Min ho ba yan? Sumingit ako sa mga taong nakaharang sa pinto para Makita kung gwapo nga ba talaga. Nang maka pasok na ko sinundan ko yung tingin nung mga babaeng halos tumulo na yung laway.

DUGS. Bumilis yung tibok ng puso ko.           

Naka upo dun sa may last row, isang lalaking naka headset at hoodie. Black hair, defined jaws, maputi at higit sa lahat, GWAPO.

“Uy uy” Kinalabit ko yung nasa tabi ko ng hindi inaalis yung tingin ko kay kuya pogi. “Anong pangalan niya?”

“Luke Parker daw.”

The Guy Who Won't SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon