Chapter 6

11 0 0
                                    

"Mia paabot nung popcorn." Bulong sakin ni Pat nang hindi umaalis yung tingin niya sa tv.

Pag abot ko nung bowl napansin ko sila Kat lahat seryoso sa pinapanuod namin samantalang ako nanginginig na sa takot.

Biglang may kumalabog kaya napakapit ako sa braso ni Alan. Ayoko na! Ayoko na talagaaaa hindi ako mahilig sa suspense feeling ko aatakihin ako sa takot. Pero lahat sila eto ang gusto kaya wala akong magawa kundi panuorin nalang yung kwento. 

Eto yung tipo ng horror kung saan may psycho na pumapatay ng tao for fun. I hate it. Dumagdag pa yung babaeng bida na ubod ng katangahan. Pag tumunog yung telepono, sasagutin. Pag may kumalabog, titignan pa kung anong meron. Hay nako hinihintay ko na nga lang siyang mamatay eh. Pero tibay ni girl, siyam ata buhay.

Nakaupo nalang siya sa sulok ng kwarto niya at umiiyak. Patay na lahat nung kaibigan niya at siya nalang yung natitira. As expected, bida eh. Napatalon ako nang biglang may kumatok sa pintuan niya. At eto naman si tanga lumapit pa sa pinto!

"BOBO WAG MONG BUKSAN!" Napasigaw ako sa inis.

"Shhh ang ingay mo Mia!"

Kinagat ko nalang yung labi ko pero di ko talaga mapigilan.

"SHIT TANGA! SIGE GAGO MAMATAY KA NA!" Tinuro ko pa yung girl. Nakakainis kase! Di na ba siya nadala? Hindi ba siya nanunood ng horror movies? Number 1 rule: Don't open the door!

But sadly, hindi ako narinig nung bida at binuksan parin niya yung pinto. Sinalubong kagad siya ng killer at sinaksak siya sa dibdib. Ayun patay. Kahit expected ko nang mamamatay siya di ko parin napigilang magulat. Credits nalang yung lumalabas sa screen pero di parin bumabagal yung tibok ng puso ko at mukang shock parin sila Charles.

*Tok tok*

Lahat kame napatingin sa pintuan ni Shiela pero walang nag tangkang buksan ito.

*Toktok*

"By buksan mo yung pinto." Bulong ni Shiela kay Charles.

"Eh ahhh malayo ako. Mia! buksan mo yung pinto ikaw pinakamalapit."

Nanlaki yung mata ko "Ayoko!"

"Dali na Mia!"

Ehhhhbenskcnjwnelafbsnkd "Eto na."

Dahan dahan akong lumapit sa pinto habang pinipilit kong isteady yung heartbeat ko. Hinawakan ko yung doorknob at binuksan yung pinto. "WAG!" Sigaw ko tas tinaklob ko yung braso ko sa ulo for protection.

"Anong wag?"

Dinilat ko yung mata ko at nakita ko si Lucas, kapatid ni Shiela.

Binaba ko yung kamay ko at tumayo ng maayos. "Wala." Bumalik ulit ako sa kama.

"Oh kuya, kanina ka pa nakauwi?" Tanong ni Shiela.

"Kakarating ko lang." Pumasok si Lucas sa kwarto at may kinuha sa lamesa. Humarap siya saamin at tinignan kame isa isa. "Anyare sainyo muka ata kayong nakakita ng multo?"

Lahat nag si ayos ng upo at walang tumingin kay Lucas. Tumawa lang siya at lumabas na ng kwarto.

Hay, napahikab ako at tinignan yung relo ko. 9 na pala, kaylangan ko na umuwi. Tinignan ko yung mga kaibigan ko na naka hilata pa sa kama. For sure wala pang balak umuwi yung mga toh kaya nauna na kong mag paalam.

Habang nag bbike ako may naramdaman akong sumusunod sakin. Tumaas tuloy yung balahibo ko. AJHXNAKZKAHF Bakit ba kase nanuod ako ng horror movie na yun napapraning tuloy ako! I'm sure wala lang yan. Huminga ako ng malalim at pinilit mag bike ng maayos, pagewang gewang na kase ako, kaso pag padyak ko biglang natangal yung pedal ng bike ko kaya nag panic na ko. Oh shit baka maabutan ako nung killer!

The Guy Who Won't SmileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon