Chapter 2 O////////////////O

404 12 0
                                    

AUTHOR'S NOTE: Wala lang.. :> Pasensya na po aa. Ankyut kasi kapag nakahighlight yung word kaya ang saya maglagay ng ganito :* <3

Sorry na po! XD Osya.. Ge.. Bahala na po kayo.. ;) Enjoy niyo na lang.

Play the video to the side--------------------------------------------------------------------------->

---

~Sa park.

"Eizel! Makipagbalikan ka na sakin please. Mahal na mahal kita." 

Kinilabutan ako sa sinabi niya.

"Brix! Tigilan mo na nga ako. Hindi na kita mahal. Kung naging mahina ako dati, dati lang yun at kung nagpakatanga ako sayo dati, dati lang yun at hinding hindi na ulit mangyayari yun kahit kelan.!" Bulyaw ko sa kanya.

"Please! Please! I'll do everything." Pagmamakaawa niya.

"It's too late for that." Sabi ko at akmang aalis ng hawakan niya ako ng mahigpit sa braso ko.

"Hindi pa huli ang lahat." Parang nababaliw na siya sa mga sinasabi niya.

Paranoid ampota!

"Paksyet! Bitiwan mo ko." Sigaw ko habang tinatanggal yung kamay niya.

Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin.

"Shit! Ano ba Brix! Nababaliw ka na ba? Bitiwan mo ko sabi ee." Sabi ko at pilit kong nilalayo yung katawan niya sa katawan ko.

"Oo nababaliw na ako sayo!" Sabi niya at hinigpitan pa yung yakap sa akin.

"Brix! Bitiwan mo na ko please. Nasasaktan na ako."  Pagmamakaawa ko.

"No Eizel. I love you." Pilit niya.

Naiiyak na ako sa sobrang takot sa kanya. Pero pinipilit ko paring kumawala sa yakap niya.

"Pare bitiwan mo na siya." Sabi ng isang boses.

Hindi ko makita nakatalikod ako sa kanya. Hindi ko naman matingnan kasi yakap ako nitong Mongoloid na ito.

Biglang na lamang akong binitawan ni Brix na dahilan kung bakit napaupo ako sa damuhan.

"Wag kang makielam dito." Sabi niya sa lalaki.

Ako naman pinapakiramdaman yung sakit ng pwet at braso ko sabay huminga. Parang naubusan ako ng hangin sa higpit ng yakap niya.

"Nasasaktan na siya!" Nagulat naman ako sa sinabi nung lalaki kaya automatic akong napatingin sa kanya.

Familiar siya saken..

"Sino ka ba hah?" Biglang tulak ni Brix sa kanya.

"I'm Travis Mendez." Sabi ng Ultimate CRUSH ng bayan!

Ahh oo nga pala! Taga ibang school siya. Nalaman ko lang ang tungkol sa kanya dahil sa Beshy ko na madaldal.

"Ahh! Ikaw pala si Travis. Sikat ka! Pero wala akong pake! Umalis ka na kung ayaw mong masaktan.  Hindi ka kasali dito." Sabi ni Brix at tinalikuran si Travis! Kilala din pala siya ni Brix. Astig! 

"May pakielam ako." Sabi niya naman.

"At bakit?" Pagtataka ni Brix.

"Dahil Gf ko siya." Sabi niya naman.

Gf daw? Nabingi ba ako? O nagiilusyon na yata ako. Kilala niya ba ako para masabi niya yang mga bagay na yan?

"A-Ano?" Napaharap naman si Brix sa kanya.

First Kiss Went With This &lt;3 [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon