THE PAST:

3 0 0
                                    

Emerald's Pov
Pagkatapos kong bumisita at makipagkwentuhan sa mga troop mates ko umuwi na rin ako. Hindi pa rin naalis sa isipan ko yung nabasa ko tungkol sa Lopez family at si Mr. Alvarez. Ano kayang kinalaman niya sa mga nangyari. Ang sabi pa nga nila Charles si Mr. Alvarez daw ang pinaka main na suspect dahil siya lang daw naman ang nasabing kaaway ni Mr. Lopez. Nagsimula daw ang away nila dahil sa business problem lang naman. Pero hindi daw naniniwala sina Charles na kaunting away lang ito tungkol sa business dahil kung kaunting away lang ito tungkol sa business dapat naayos na ang hidwa-an ng dalawang business men.

Umupo muna ako sa mini sofa sa loob ng mini living room ng kwarto ko. Masyado akong napagod ngayong araw. Sumandal ako sa sandalan ng sofa at saka ipinikit ang mga mata ko....

*****

Nagising ako dahil sa maliwanag na sinag ng araw sa mukha ko. Aiiiiissshhh ang sakit ng likod at leeg ko. Nakalimutan ko na naman sigurong gumising. Pumikit-pikit muna ako bago ako tumayo para pumunta sa banyo. Pagkatapos kong gawin ang lahat ng morning rituals ko bumaba na ako sa unang palapag ng bahay namin. Pumunta muna ako sa kitchen at saka ko binuksan yung ref. Kinuha ko yung fresh milk at yung cereal. Lagi nalang ito ang kinakain ko araw-araw dahil wala naman akong time para magluto. Wala kasi akong kasama dito sa bahaySi mom nandun pa rin siya sa isang constitution para sa mga depressed na mga babae at sa ibang bahay rin naman nakatira si kuya. Kaya kanya-kanyang buhay na rin kami ng ilang taon. Simula kasi nung nawala si dad naging cold na sa amin si mom. Ang sabi ng doctor depressed pa rin daw si mom hanggang ngayon kaya kailangan namin siyang intindihin. Eight years old palang ako nun, nung mamatay si dad. Iyak lang ng iyak si mommy that time at kinakausap pa nga niya sarili niya eh. Syempre umiyak din ako at gusto ko ng makakaramay si kuya kasi busy sa pagco-comfort kay mom.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Past My PresentWhere stories live. Discover now