Centro

15 0 0
                                    

Habang masayang naglalakad ang magkapatid hindi mapigilan ang ngiti sa kanilang mga muka mga matang maligalig dahil sa kanilang nakikita.                   Lila tingnan mo yun ang ganda diba Ngiting sabi ni taoro.                            Oo nga taoro maganda  sabi naman ng nakatatandang kapatid.               HOy!!!! Mga taong bundok umalis nga kayo dyan at baka malasin itong tinda ko Hala Alis!! Alissss!!!! Sabay na nagulat ang mag kapatid sa sigaw ng isang tindera sa bayan ngunit unang nakabawi si mikasha                       
Pasensya n po ate nasisiyahan lang naman kami di na mauulit

Hinging paumanhin ni mikasha sa tindera dahil sa pagkapahiya minabuti na lang ni mikasha at taoro na lumisan sa naturang tindahan at ipag patuloy ang pag lalakad

Lila maari ba tayong bumili ng matamis
Hiling ni taoro sa nakatatandang kapatid napatigil naman si mikasha at tumingin kay taoro bakas dito ang kagustuhang bumili kita iyon ni mikasha sa ningning nang mata nito napangiti siya sabay luhod at hawak sa muka ng bunsong kapatid

Oo naman may natira pa naman akong barya sa huling benta natin ng ani
Ngiting sabi ni mikasha sa nakababatang kapatid para naman maiiyak sa kasiyahan ang paslit
Yeheeyyy!!!! Kakain ako ng matamis sabay yakap nito sa kanya
Salamat Lila
Halika na nga nang makabalik tayo sa centro baka hinahanap n tayo ni ama
Masaya at patalon talon pa si taoro habang pabalik sa centro subo ang biniling matamis ni mikasha hindi naman mapigilan ni mikasha na mapaluha sa simpleng matamis ay nagiging masaya ang araw ng kapatid hindi tulad ng ibang bata sa bayan n nakikita nya kaya naman sa abot nag kanyang makakaya ay pinapasaya niya ang kapatid.habang masayang naglalakad ang dalawang nilalang lingid sa kanilang kaalaman may mga matang nakasubaybay sa kanila

Ama nailako mo naba ang mga ani tanong ni mikasha sa ama

Oo anak nakabili nadin ako nang ating pagkain at kaunting gamit sa bahay buti na lang naubos ko.
Tuwang sabi ng ama ni mikasha

Buti naman po kung ganon

Ama tingnan mo oh binili ako ni lila ng matamis ngiting sabi ni taoro sa ama napatingin naman ito sa kanya
Saan ka kumuha ng pambili nyan mikasha tanong nito sa kanya

Sa huling ani po ama ung binigay mong pera sakin di ko naman po nagamit saad nito

Ganoon ba tayoy lumakad na at baka tayo gabihin sa daan saad ng ama ni mikasha

Tara na ama lila uwi na tayo nakangiting usad ni taoro habang binabaybay ang daan pabalik ng gubat.

Hidden BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon