Sa mga susunod na buwan, birthday ko na naman. Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin makakalimutan ang naging karanasan ko noong...
17th birthday ko.
Oo na, corny na. Eh bakit ba? Gawa ka rin para happy.
October **, linggo yun (hulaan niyo nalang kung anong date). Dahil birthday ko nga, syempre bilang isang miyembro ng mga kabataang naglilingkod sa Simbahan ay nag-simba ako.
Actually, wala talaga akong balak para sa birthday ko noong mga panahong iyon. Sinabi ko sa parents ko noon na huwag na maghanda or something. Siguro itutulog ko nalang para kinabukasan hindi ko na birthday, dami kasing nagpapalibre eh hindi ko naman close. Tss.
Pero nakakalungkot lang dahil alas-4 na ng hapon...
Wala pang bumabati sa akin! Oo sobrang nastress talaga ako noon. Maski isa sa mga kasama ko sa Simbahan, mga kapatid ko, nanay at tatay ko. Wala. Bokya. Kahit si Father Albert man lang sana kaso wala din. Saklap. Tingin ko nalimutan nila. Sarap umiyak mga beshy.
Maghapon kong kasama ang mga ka-churchmate ko kaso wala talaga. Halos ituring nga nila akong hangin kasi bihirang bihira nila akong pansinin nun. Halos umiyak na'ko sa pagkadismaya.
"Mauna na'ko," medyo bitter na sabi ko. Wala. Talagang. Bumati. Huhuhu.
"Bye Gellette," paalam nila. In fairness, nage-exist pa pala ako sa paningin nila. (Sarcasm please)
Sinadya kong maging cold sa kanila baka sakaling may maalala sila, binagalan ko pa ang lakad ko habang papalayo sa kanila, kaso WALA. Nakalabas nako't lahat sa Rob wala talaga. Grr.
'Ayoko na kayo ilibre.' Sabi ko sa isip ko. Hahaha.
Duh, gellette. May panglibre ka ba?! Diba wala? Haha.
Nakarating na'ko sa bahay. May kanya-kanya silang ginagawa, ako lang wala. Malamang kasi kakarating ko lang. Aish.
"Oh magreview na, may pasok pa bukas."
"Opoooooo.." tinatamad kong sabi. Nakakatamad naman kasi talaga. Hays.
Mabilis lumipas ang oras, nakareview na'ko (HIMALA), nakakain na rin ako, naka-toothbrush, naka-pajama, LAHAT GINAWA KO NA, MATUTULOG NA TALAGA AKO.
Kaso biglang...
"May tatlong bibe akong nakitaaa..."
Pffft. Ampanget ng boses. Sino yun? Gabing gabi nagwawala. Pati nanay ko napangiwi sa narinig. Hahaha. Pero hindi ko pinansin at dumiretso nalang sa kuwarto. Baka mga tambay lang."So you can keep me, inside the pocket of your ripped jeans..." Ni hindi pa nga nangangalahati ang isang kanta ay iniba na nila. Pero ang nakapagtataka ay parang ang lapit ng boses.
Kinakabahan talaga ako, baka kasi umulan. Mahirap na may pasok pa bukas.
Pero sumigaw ang kapatid ko, lumabas daw ako.
Dahil mabait at masunurin akong bata ay lumabas nga ako.
Lahat ng inis at tampo ko ay nawala dahil sa nakita ko. There they are.
Mga ka-churchmates ko, na kasa-kasama ko lang kanina ay nandito. May hawak na cake at...
Nakasinding ESPERMA CANDLE. kahgsyshwgs. Anong meron sa kandila?! At bakit isa-isa pa talaga silang may hawak?!
"HAPPY BIRTHDAY, GELLETTE!" At pagkatapos ay kumanta sila ng birthday song.
Hindi ako naiyak. Na-touch ako oo, pero nakakairita kasi talagang makita yung kandila, hindi ko talaga maalis yun sa paningin ko. Bukod sa ang laki laki eh feeling ko ay patay yung dinadalaw nila. Tss. Pero kahit ganun ay sobrang na-appreciate ko itong ginawa nila.
Isa isa silang umakyat sa bahay, nagbeso, bumati, at binigay ang kandila sa akin.
"Beks, ang ganda na eh. Pero para saan 'tong kandila?" Natatawa kong tanong kay Baklang Arjhie.
"Sorry bakla, biglaan kasi talaga. Nahirapan kaming mag-isip kung anong pwedeng ibigay bukod sa cake. Kaya dinagdagan nalang namin niyan." Sagot naman nya.
Masaya ako. SERYOSO. Tanggalin niyo lang yung kandila, mas sasaya pa siguro ako. Hahahaha.
Nakita ko na rin yung cake. Chocolate, mah favorite~ May pangalan ko pa. Kulay pula ang font. Ang pinaka-ayaw kong kulay. Hahaha pero ano pang nirereklamo ko? Nag-effort sila kaya masaya talaga ako. Kahit maraming fails eh hindi iyon dahilan para hindi ako sumaya.
Tinignan ko ang parents ko pati mga kapatid ko, tuwang tuwa silang panuorin kami.
Tatlong oras silang tumambay sa bahay noon. Kanya-kanyang share ng kabaliwan, kuwentuhan, tawanan, nagkaroon pa ng mini salo-salo, bumili talaga si Tatay ng pagkain kahit medyo late na.
Kahit panuorin ko lang silang masaya, pati ako masaya na rin. Hindi mo sila nakikitaan ng kaartehan sa buhay, kahit ano, kahit lame o corny man yan, ay gagawin nila mapasaya ka lang at iyon ang pinaka-nagustuhan ko sa kanila. :)
BEST BIRTHDAY EVER.
Siguro sa isip nyo walang thrill.
Siguro nga. Pero kung talaga namang genuine ang happiness na mararamdaman mo sa mga ganitong kaganapan, tingin nyo ba makakalimutan mo ito?
YOU ARE READING
Seventeenth
General FictionHindi makakalimutang karanasan "My Seventeenth Birthday" Proyekto para sa asignaturang Filipino :)