Day before the Camp

0 0 0
                                    

Citirine's

"Citrine pakisulatan naman to oh!"
"Trine, yung papers na pirmaham mo na ba?"
"Girl, yung aayusin pa natin"
"Citrine tawag ka na Sir Cliff"

"PRRRRTTTT!!!" At nag'act ako na parang may pito. "HEHE okay medyo tumahimik, okay. Eto ha. Para di tayo mahirapan pila kayo. Okay ba? Hehe." Hays para naman maayos. "Okay." Sagot naman nilang lahat, at agad naman sila pumila at natapos ko naman agad.

Ako nga pala si Citrine Andrea Dela Cruz. Grade 10, student. Isang ssg president. Yup. Super busy pero siyempre kinakaya mg powers ko yun kasi nga para din naman sakin ito at para sa successful event ko for this 3rd grading dahil patapos na ang klase. Kaya eto ako super busy. Punta ako ngayon kay Sir Cliff na mukhang madami nanaman iuutos ang chakang baklang adviser naming ssg.

"Oh churva churva! Was majonget yan! Gusto ko ayusin niyo naman! Ang julo!" Hays. Tignan mo andito palang ako hallway rinig na rinig mo na sigaw niya. "HI MAGANDANG ADVISER NG SSG!!" Pasigaw kong sabi kay Sir Cliff kahit nauuto lang. "Ay wah! Bet ko yan neng." Sagot naman sakin ni Sir Cliff na nakipagbeso sakin. "Citrine, pakiayos nga junakis yung iba ha? Aalis kasi ako eh." Wow. Sabi na nga ba eh may pupuntahan to. "Citrine anak, alam mo namang di kaya ng powers mo din diba? Kaya nagtawag na ako ng mga grade 9 to help you" pagsabi naman niya. Mukhang okay naman kasi mas mabilis sila gumalaw kesa sa ibang officer. "Sir san to ilalagay?" May sumingit namang guwapo ay este si Topaz pala. "Hello junakis ang pogi mo talaga bagay kayo ni Citrine same stone kaya magtulungan kayo ha" sabi naman ni Sir Cliff na. BIG NO. Awkward lang walang matatapos.

"Okay sir!" Agad namang sagot ni Topaz na ngiting ngiti at umalis na ako.

Naglalakad ako ng nakita ko si Gab... Si Gab nga. Sino yung kasama niya?

Si Elen!!

Yung malanding yun.

At may payakap yakap pa talaga sa Boyfrie-- ay wait nililigawan palang pala ako.

Pero hindi pwede!!!!!

Sumugod ako sakanila, at agad agad naman akong binatukan si Gab, at nauntog siya kay Elen dahil nagchukchukan na sila eh! Hay.

"Wala kang kadala dala! Magsama kayo! Limang beses na to. Ayaw ko na!" Pagbuhos ko ng tubig sa mukha nilang pareho. Matapang ako. Amazona.

"Citrine!" Pagtatawag sakin ni Gab. "Citrine Wait!" Wow kapal Gab ha. "WAG MOKO WINEWAIT WAIT DAHIL DI KA NGA NAKAWAIT SAKIN EH" Sigaw ko kay Gab. Naabutan naman niya ako, may bike ba to sa paa oh ano at naubatan ako. "Mali iniisip mo" sabi naman ni Gab sakin. "Wow ano gusto mo isipin ko? Nagmemessage relay kayo gamit ang bibig niyo? Wag moko gawing tanga Gab tama na ayaw ko na okay? Bwisit kayong pareho. Ipagpapalit mo na ako sa kamukha pa talaga ni Tekla. BABYE MAGSAMA KAYO PAREHAS KAYONG MUKHANG PAA!" At agad naman ako tumakbo.

"Oh oh oppppssss!!!"

Hala.

Sorry.

May nabunggo at natapunan ng hawak niya. SHET ASDFGHJKL!! Si TOPAZ!!!

--

The CampTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon