Citrine's
Nagstart na mga booths. Ang gaganda din talaga ng mga ideas ng mga students na to eh. Naglakad lalad lang ako and may humila sa kamay ko.
"Hi"
Si Topaz pala. Eto talaga parang baliw. Hahaha. Kung asan ako andun din. Baliw talaga.
"Oh? Wala ba kayong booth?" Tanong ko sakaniya. "Meron naman kaso nagiikot ikot lang din muna dahil tapos naman na ako sa trabaho ko dun" sagot niya naman. "Leader ka diba?" Tanong ko kasi leader talaga siya. "Yap. Pero okay naman na" sagot naman niya at yun. Naglakad lakad lang kami. Hanggang sa "samahan moko!" Hinila niya ako. At umakyat kami ewan ko ba kung san kami pupunta. "ANG GANDA!" Napasigaw ako kasi ang ganda pala talaga ng view dito sa rooftop ng school. "Lika dali" tinatawag ko siya kaso ayaw niya lumapit. "HALIKAAAA" pinilit ko siyang hilahin. Kaso ayaw niya. Hinila ko siya. At napansin kong nakapikit lang siya. "Dali open your eyes" sabi ko at onti onti niyang inoopen mata niya. At nakangiti lang siya. Nakahawak siya sa kamay ko, sabay sabing "Ang ganda pala talaga dito" sagot niya. Nakikita kasi ang city lights pati yung mga booths sa baba kitang kita yung mga fairy lights. Ang gaganda. Kitang kita napakaganda.
(7:55 Pm)
10 Pm pa magcclose ang booths. 10 AM naman magbubukas. Ang ganda ganda. Nandito lang kami sa rooftop nakaupo sa may cement na nagsisilbing harang. At nakatingin sa city lights. At nagkwekwentuhan.
"Alam mo ang swerte sayo ng lalaking mahal mo" bigla niyang sabi at napangiti ako. "Kung meron lang sana" sagot ko naman. "Did you tried to fall in love?" Sagot niya. "Nope" sagot ko naman. Kasi I never have. "Pero crushes yah. Puppy love" sagot ko. "Wow. The who?" Tanong niya. At gusto kong sabihing siya kaso siyempre wag na lang. Yung tawag ko na lang sakaniya nung grade 7 ako pero grade 6 siya. And I call him MVP. Mister Vulnerable Present. Which is. Ewan ko ano pumasok sa isip ko that time pero ang alam ko solid kasi siya sa court. "It's MVP" I told him. "Mvp?" Tanong niya. "Yap and I'm shy to mention who is he" sagot ko habang nakangiti. "Woah. Tell me how and why you'd like that (MVP) thingy" sagot niya. "Okay ganito yun" sagot ko.
Throwback
God di ko alam to. Jusko. Kung bakit kasi nilipat ako ni Mommy ng school eh. Kainis lang. Okay naman na ako sa Rio School. Kung bakit dito pa kasi. "Aray!" Pasigaw kong sabi dahil nabato ako ng bola ng basketball. "Sorry haharang harang kasi" sagot sakin. At napanganga ako kasi wala manlang manners. Hays. Ganito na ba dito sa school na to. Sumbong ko kaya sa president-- ay wala pala. Umalis na ako. Nakita ko naman agad room ko.
At nakilala ko ang magbabarkada. At 3 kamimg transferee. It's Crysta and Tiffany.
Nagstart ang pagkakaibigan namin don.
Dahil lang sa ham and cheese na favorite naming lahat.
"Uy nood tayo basketball" aya naman ni Isa samin. Pumunta naman kami agad. Wala akong hilig sa mga sports honestly.
Napansin ko yung naglalaro na sobra sa court grabe naman. YUNG NAKABATO NG BOLA SAKIN OMG. At habang nanunuod ako. Napatingin siya ewan ko bigla na lang ako kinanahan at para bang may mga kung ano sa tiyan ko. Ang bilis pa ng heartbeat ko at agad naman akong umalis.
Dun ko na nalaman na nahulog na pala ako. Kay Topaz. Pero tinago ko name niya as mr. Mvp para hindi mahalata ng mga friends ko.
Nalaman ko na lang kapatid pala siya ni Leslie. At ayun. Bunso si Topaz.
-end-
Siyempre hindi ko minention kay Topaz kung sino. Ayun kinulit niya ako kung sino. "Alam mo ang ganda mo" sagot niya sakin. "Ha?" Tanong ko. At bigla niya akong hinila. "Tara na nga" sagot niya at bumaba na kami.
Pagbana namin. Nakita naman namin mga barkada namin at nakangiti ng nakakaloko. At naghiwalay na kami ng punta. At narinig kong tumawa mga barkada namin. At nag hiayawan na akala mo may artista. Hays mga topak.
BINABASA MO ANG
The Camp
RomanceNaniniwala kaba sa "love can wait", ako kasi na author dati hindi. Pero dati lang yun, dahil magsimula ako maniwala nung nakilala ko ang isang taong to dahil lang sa activity sa school. Pero, paano nga ba, kung pinagantay mo nanaman ang taong yun?