Ayesha POV
First day of school..
Naglakad lakad na ako kasama ang mga classmate ko dati noong grade nine para maghanap ng classroom ngayong grade ten.
"Ayesha! Tignan mo dito sa section SPA-1, andito pangalan mo!" sabi ni Julia, kaklase ko.
"Hala oo nga!" sabi ko.
Tinignan ko na ang mga nakahilerang pangalan at nakita ko ang pangalan ko.
11. Fortaleza, Ayesha Julianne
Napatango tango nalang ako habang tinitignan parin ang mga pangalan.
Hmmm, so may kaklase ako noon no'ng grade six, grade eight at last year na babae.
Tinignan ko ang mga pangalan sa boys..
Napataas ang kilay ko ng makitang classmate ko ngayon yung ka m.u ko noong grade six.
Binaba ko na ang mata ko para maghanap uli.
6. Davis, Rozen Griffin
Ewan ko pero biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Huh? Teka sino ba 'to?
Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman iyon.
Dinadama ko pa ang malakas na tibok nito ng tinulak ako ni Kriesha.
"Uy, ayes! Tulaley ka dyan!" natatawa niyang sabi at tinulak tulak ako.
"Hoy mga gaga! Tignan nyo 'to! Kaklase ni Ayesha si Rozen!"
Bigla silang napatili at naging wild.
Uhhh.. so anong meron sa lalaking 'yon?
Nakakunot noo ko silang tinignan.
"Hoy gaga! Si Davis yan! Yung gwapo! Moreno tsaka sikat na heartthrob simula noong grade seven!" ani Nathalie.
Nakakunot noo parin ako sa kanila kaya napailing iling nalang siya.
Rozen Griffin Davis, huh?
--
Nagtatawag na ng mga studyante si Ma'am Karen Batungbakal.
Pffft. Natatawa parin talaga ako pag naalala ko reaksyon ng mga kaklase ko kanina noong pinakilala ni ma'am ang sarili nya.
"Mr. Davis?"
Napatahimik ang lahat.
"Mr. Davis?"
Ilang sandali pa nung sumigaw kaklase namin, si Corrine.
"Absent, ma'am!"
"Ano ba yan? First day na first day, absent?" iling ni ma'am.
Napailing nalang din ako.
What so special about him to the point tinilian sya nila Nathalie kanina?
---
Third day of school...
Paakyat na ako sa hagdan ng hallway ng napakunot ang noo ko.
Uhhh.. Who's that guy?
Binalewala ko nalang 'yon at nilapitan mga kaklase ko.