Birthday na ni Jen Bukas

133 2 0
                                    

“Jojo review your paper”

                Si Ma’am nakita  na naman ako. Tamang sita na naman siya. Lagi na lang niya ako pinagdidiskitahan. Minsan talaga gusto ko na siyang batuhin ng eraser gaya ng ginawa niya sa akin last time.

May dalawampu’t tatlong minuto ko rin pala sinagutan ang delubyong eksam ni ma’am. Mukhang ako pa lang rin ang nakatapos kaya nagsusungit na itong tistser kong may pagkakahawig kay tweety bird. Mainit ako sa mata niya. Palibhasa madalas niya akong nahuhuling di nakikinig at nakatingin lang sa bintana sa oras ng pagtuturo niya. Madalas niya rin naman ako sinusubukan ipahiya sa biglaang pagtatanong sa akin habang nakatulala. Pero siyempre hindi ako binibigo ng bathala ng mga sagot  at ng panginoong kong si batman kaya  lagi siyang natutulala sa mga sagot ko.

                Mahaba-habang oras pa pala ang hihintayin ko. Ako pa lang talaga ang nakatapos ng exam. Madali lang naman yung mga tanong. Sadyang mahirap lang talaga ang sagot. Medyo natagalan lang ako sa problem sets sa exam. Talaga naman kasing mahirap ang physics. Ang problema pa nito ay para siyang metikulosong nanay. Kailangan tama ang solution mo para maging tama ang sagot mo. Hindi gaya ng Math kahit na trial and error lang ang gawin mo ay hindi naman rin magiging trial and error ang grades mo. Gaya ng ginawa sa akin ni ma’am ng minsan na magtalo kami. Palibhasa mahilig ako magderive at magshortcuts ng formula,ayun naging shortcut din ang score ko.

                “Jo, tapos ka na?”

                “Medyo” sabay ngiti.

                “Magreview ka nga” Si Jen. Idol ata si Ma’am sa paninita.

                Hindi ko talaga ugali ang review-hin ang mga sagot ko sa exam. Mantakin mo ba naman na nagkandahirap na nga ang utak ko  sa pagsagot tapos isa na naman mind torture para lang i-check kung tama yung mga sinagot ko. Pero dahil sa utos ni Jen ay hindi ko rin maiwasan na silipin ang papel ko. Wala pa pala akong sagot sa 1st item ng exam. Hindi ko talaga sinagutan. Nakakaloko kasi yung tanong. “Define Physics”. Sa ilang beses ba naman pinaulit-ulit ni ma’am ang definition nito sa recitation naming tapos ngayon itatanong niya sa pa sa exam. Nakakainsulto ang dating.

                “Hindi na kailangan magreview”

                “Kapag ikaw hindi perfect jan”

                Naging libangan na talaga ni Jen ang sitahin ang mali kong ginagawa at utusan akong gumawa ng tama. Kung bakit niya ginagawa iyon? Hindi ko na rin  maalala. Ayaw ko sa talaga sa lahat ay yung sinisita ako at inuutusan dati. Pero ngayon iba na, may isang tao ng nakakagawa na noon. At yun si Jen.

                Hindi maitatangging magandang babae si Jen. Halos magkasingtangkad lang naman kami. Standard height na madals na nire-require sa mga trabaho lalo na  kung mag-aaral ka sa PNPA. Kayumanggi ang kulay at may pagkasingkit kaunti ang mapupungay niyang mga mata. Hindi gaano kapayatan pero sexy pa rin ang dating. Nakakainis siyang ngumiti hindi kasi hindi nakalabas ang ipin. Nakakabighani.

                “Pustahan pa tayo?”

                “Sure…Libreng lunch?”

                Dali-dali kong dinampot ang aking bolpen. “Physics is the branch of knowledge that studies the physical world. It is the study of the physical laws of nature” agad kong naisulat sa 1st item ng exam. Sigurado na ang libreng lunch ko nito.

                “Bilisan mo na nga lang diyan… bagsak ka rin naman!”

                “yabang”

Birthday na ni Jen BukasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon