The Last Shooting Star One Shot

45 1 0
                                    

The Last Shooting Star

Written by: TheMightyGirl

“Mae! Asaan na yung camera ko?!!!!” sigaw ko habang hinahalukat ang mga gamit ko sa Kwarto. Bwisit asan na ba ‘yun?! Baka hindi ko na abutan. “MAE!!” Sigaw ko ulit. Nasa may sala kasi sya, nanonood ng tv habang ako nga ‘eh nandito sa kwarto at pilit hinahanap ang camera ko. 

Alam ko dito ko lang yun nilagay. Malamang pinaki-alaman na naman ng magaling kong kapatid. Wala namang alam ibang picture-an kundi ang mukha nya, Panay selfie na nga nya yung camera ko.

“Nasa Kwarto ko! Ginamit ko kanina!!” sigaw nya rin mula sa sala. Sabi na nga ba! Pakialamera talaga.

Tumakbo ako papunta sa kwarto nya na katapat lang ng kwarto ko. Sinalubong ako ng napaka-bahong amoy ng kwarto nya. Bumungad din sakin ang mga nakakalat namga damit at kung anu-ano pang gamit. Grabe talaga si Mae, parang di babae.

“ASAAN DITO?!” hindi ko agad Makita ang Camera ko kasi nga ang kalat ng kwarto ng kapatid ko. May mga panty pang nakakalat, yung iba nga may nakadikit pang napkin na gamit. Ewwwwww!

“Andyan sa drawer ko! Hwag ka na nga maingay, di ko maintindihan pinapanuod ko!!” sigaw nya ulit.

Hayy naku.Ako pa talaga ngayon ang maingay? Naku talaga kung hindi lang ako nagmamadali baka nabatukan ko na ‘yun. Hinalukat ko agad yung drawer nya at nakuha ko na ang Camera ko. YES!

Tumakbo ulit ako, ngayon naman ay palabas ng condo namin. Sana abutan ko. Ang tagal kong hinintay ‘to. Last year pa ata ng huli akong nakakita nun. Mabilis akong nakarating sa Elevator pero nasa ground floor pa ito. Nasa 29th floor ako. Malas naman ‘oh!

 Napagdisisyunan kong gumamit na lang ng Hagdan.

 Kaya ko‘to! Kailangan ko makarating sa rooftop. Sa 35 floor.

****************

When I finally reached the rooftop, agad akong tumingala at luminga-linga.

Wala na. Tapos na ata ‘yung hinihintay ko. 

Tanaw ko ang mgamaliliwanag na bituin. Gayon  na rin ang naghaharing buwan sa kadiliman. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin na humahampas sa aking mukha at katawan. Tinatangay nito ang mahaba at kulot kong buhok.

Did I really miss it? Pero panano na ang wish ko? Hindi ‘to pwede. Maghihintay na naman ba ko ng “no one knows” how many days, months or years ulit? 

“Urghh! Nakakainis!” himutok ko tyaka ko napa-upo sa sahig. After kong pagpawisan ng matindi para lang maka-akyat dito, hindi ko parin pala aabutan?!

“Hindi pa nagsisimula.”

O.O

The Last Shooting Star One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon