"Ma, alis na ako!" sigaw ko at sinuot yung bag ko. Nahulog pa yung dala kong mga libro. Amp naman oh.
"Mag ingat ka 'nak ha? Uwi ka ng maaga!" sigaw ni mama mula sa kitchen
"Yes po ma! Bye!" lumabas na ako ng gate at linanghap ang dumi ng hangin sa Pilipinas. Napaka polluted talaga ng Pinas no?! Hehe
"Oh My Gosh Girl! Tignan moooo! Ang gwapo ni Dexter sa bagong photo shoot niya! Kyaaaaaaaaah!!!!" Grabe ang naabutan ko sa hallway! Sigaw na agad! yan si Keybi, bestfriend kong fangirl. Obvious naman diba?
"Oo na! Madaming ebidensya! Hay ikaw talaga!"
" at tignan mo Nath, etong kasama niyang hottie rin? Yan si Dylan Brent Malvar. Artista din yan! Nagtataka nga ako eh bakit ngayon ko lang siya nakita sa tv!"
"Sus nagtaka ka pa, eh puro naman si Dexter nakikita mo sa tv eh. Tutok na tutok ka sa kanya palagi!" Tinignan ko yung picture nilang dalawa sa magazine. Oo nga, gwapo yung Dylan na sinasabi nitong si Keybi. Parang mas gwapo ata etong di Dylan eh pero secret lang yun ah? Baka mag hysterical tong isa pag sinabi ko. Hehe
"Eeeh! Ang gwapo niya talagaaaaaaaa!" tili niya sabay yakap nung magazine. Pinagtitinginan na siya ng mga tao, pero siya, wala lang.
"Halika ka na nga Keybi! Male-late na tayo eh!"
"Eeeeh. Di naman nuh! 1st day kaya ng school! At tsaka, di pa nga natin alam sections natin eh!"
Ay oo nga pala! 1st day namin as senior students ng highschool. Last year na namin dito sa Hyndell University. Di siguro ako dito mag co-college since wala dito yung course na gusto ko.
"Tara na nga!" Hinila ko na siya dun sa bulletin board. Titignan namin yung lists. Baka kasi maglaway natong si Keybi sa picture nitong si Dexter niya eh. Ayaw bitawan yung magazine. -_-
Ang daming tao!
"Ui! 4A tayo bessy! Kyaah! Baka ka section din natin si Dexter kooooooooo!!!" tili na naman niya. Oo. Dito rin pumapasok yung si Dexter. Actually ka batch din namin siya.
"Kyaaaaaah!! Classmate nga natin siya girl! Omg omg omg!!!!!! Kyaaaaaaah!!!!!" halos mabasag na yung eardrums ko sa tili ni Keybi!!
"Oo na! Alam kooooo! Tigilan mo na yang pag alog sakin please lang, nahihilo na ako!" T^T
"Ay hehe! Sorry bestfriend. Nadala lang! Omg napaka memorable siguro ng taon na to para sakin! akalain mo yun? Naging mag classmates narin kami! Sa wakaaaaaaaas!!" grabeng saya naman nitong bestfriend ko oh
"yun! bell na! Halika na! Pasok na tayo sa room. Alam ko yang building na yan!"
"Halika naaaaaaa! Weeeeeeeee!!"
Haay. Eto na talaga. Start na ng senior year. Ang year na napaka stressful! Aish!
Humanap na kami ng mauupuan ni Keybi. Puno na yung likod, as usual. Kaya no choice kami. Grabe to si Keybi, linagyan pa talaga ng bag yung katabi niyang upuan sa right side kasi reserved daw yun para kay Dexter niya. Aish

BINABASA MO ANG
My Fake Boyfriend
Подростковая литератураHe's Popular. He's Perfect. He's Rich. Everyone loves him. He's Dylan Brent Malvar. The guy that everyone would die for him until one day, I just said to the world that he's my boyfriend. What should I do?! Its just a lie. Extremely a lie! He's defi...