I Found My SEOULmate
(one-shot story)
By: FallenAngeLinPINK
FAPS’ NOTE:
This story is about Tricia Villanueva. She’s the daughter of Luis and Paula Villanueva in my story “10 Comparisons of LOVE”. This is not a sequel of the story I mentioned. This is only a one-shot long story of Tricia’s love life. Hehe ^_^ Enjoy reading! Don’t forget to leave your comments. Thank you! Love ya!
****
Laking states ako.
Parents ko sina Paula Jane at Luis Villanueva na mga sikat dito sa America. Ang mommy ko ay dating model na artista na ngayon. Ang daddy ko naman artista at model na rin ngayon.
Talented ako sabi ng mga kaibigan ko pati na rin ng parents ko.
Mahilig kasi ako sa Music eh.
Magaling daw akong kumanta lalo nang sumayaw. Pambato ako sa dance floor sa campus namin eh.
Pero hindi ito naging dahilan para sundan ko ang yapak ng mga magulang ko na maging artista dito sa states.
Kasi gusto ko.....
Sa SEOUL, SOUTH KOREA ako mag-aartista!
Kung bakit?? Malalaman niyo.
******
Ako si Tricia Villanueva.
10 years old na ako ngayon. Tricia ang pangalan ko kasi nabanggit sakin ng mommy ko na dati raw ay nagpanggap siyang Tricia ang name niya nung makita niya si Tito Brent.
Sino si Tito Brent?
Isa rin siyang sikat na artista at singer dito sa states.
I-MAX ang name ng grupo niya. Si Tita Samantha ang asawa niya. Actually close ko sila eh kasi minsan sila yung nag-aalaga sakin. Ang swerte ko kasi puro sikat ang mga tao sa paligid ko.
What do you expect diba? Syempre dapat maging ganun din ako right?
(FAPS’ note: to know more about Tricia’s parents’ story, read my story 10 COMPARISONS OF LOVE. Plug plug din! Hehe ^__^)
Totoong gusto kong mag-artista. Bakit?
Nakikita ko kasi kina mommy at daddy na enjoy yung ginagawa nila.
Nagpopose sila sa camera tas mapapanuod ko sila TV. Ang galing nga eh kasi andaming nakakakilala sa kanila! Kaya naman naiinggit ako.
Minsan, nagkaroon kami ng family bonding. Ngayon na lang ulit to kasi lagi silang busy sa trabaho nila eh pero kahit ganun, hindi naman nila ako napapabayaan. Lagi pa nga nila akong sinasama sa mga shooting nila eh. Tuwang-tuwa sakin yung mga tao dun! Ang cute-cute ko daw kasi!
Siguro dahil na rin sa kapapanuod kina mommy at daddy, natututunan ko na rin yung ginagawa nila. Kaya nga minsan may nagsabi sakin na inborn na daw ata talaga ang pagiging genius ko. Talented daw talaga ako sobra! Syempre ansaya namang masabihan ng ganun diba? Hihi ^____^
Ayun nga, sabi nina mommy, sa Korea daw kami pupunta.
Hindi ko pa napupuntahan ang bansang yun. Panu lagi namang sa Canada, France, Paris, Europe, etc ang pinupuntahan namin eh. Hindi naman kami sosyalin nuh? Hihi >///<
Pero alam ko sa East Asia siya. Basta excited ako kasi first time kong pupunta sa Asia. Hindi pa ako nakakapunta ng Pilipinas kasi masyado nga kaming busy pero fluent akong magtagalog. Pano? Yun kasi lagi ang ginagamit na language nina mommy pag kinakausap ako eh para daw kasi maganda ako magpronounce ng words.
BINABASA MO ANG
I Found My SEOULmate (one-shot story)
RomanceThis story is about Tricia Villanueva. Isang dalagang may lahing artistahin. Ninais niyang sundan ang yapak ng mga magulang niyang mga sikat sa America ngunit bakit ang gusto niya... sa SEOUL, south korea mag-artista?? ating tunghayan ang kanyang st...