SAMANTHA'S POV**
TRUST.. It is the most important thing for me. Kapag nawala ang tiwala. BOOMWASAK! Hindi ganun kadaling ibalik ang tiwala, lalo na kung grabe yung nagawa sayo ng taong pinag kakatiwalaan mo. Tahimik ang buhay ko noon. Pero nung dumating sila, gumulo na.
***********
"YESSS! RECESS NA!!!! WHOOOOO. MAKAKAKAIN NA DIN AKO!" Sabi ni Aira. PG?
Ako nga pala si SAMANTHA TIU, at ang bestfriend ko naman ay si AIRA LIM. Oo half japan- - ay mali, half chinese pala kami! Sorry naman, tao nga lang diba? Hindi kami marunong magchinese kahit may half kami. Dito kasi kami pinanganak at never pa kaming nagkainteres na pumunta sa china. Oh well. Nag-aaral kami sa Black High University. Mula 2nd year bes- - mali na naman. Mula 2nd year magkaklase na kami, pero ngayong 3rd year lang kami naging mag-bestfriend. Tumayo na si Aira tapos hinila na ko palabas ng room. Naglakad nakami papuntang canteen, pagkapasok na pagkapasok namin, bumungad na naman samin to!
"Oy! Stephen si Samantha ohhh! Yieee." sabi ni Kyle higher batch sila, mga 4th year student.
"Yiee!" Pabulong na sabi sakin ni Aira. Tapos tumatawa tawa pa. Inirapan ko na lang sya tapos naglakad na papunta dun sa may unahan ng canteen para bumili ng pagkain. Sumunod namam si Aira. Tapos nakita ko yung mukha nya patawa tawa pa rin. Aba, at dahil dun.
*PAK*
Nakatikim sya sakin ng malutong na batok!
"Baka masakit?! HAHAHAHAHAHA~" Baluga. Binatukan na nga tumawa pa!
"Baliw!" Tapos naglakad na kami palabas ng canteen.
"Oy yung assignment sa english nagawa mo?" Tanong nya.
"Hindi. Kokopya na lang ako kay rikky!" Sipag ko noh? Pakopya-kopya na lang ako sa 1st honor namen. HAHA! Pumunta muna kami ng room para kuhain yung mga gamit namin. Tapos lumabas na ulit kami ng room. Naglakad na kami papunta sa hagdan tapos...
"Alam mo ba samantha
ayoko pa sanang,
bitawan ang mga kamay mo.
gusto ko pa sanang ipadama ~" Pssh
kumakanta na naman sila ng Siyam na Araw. =_="Na mahal na ma - - hehe. Hi Sam!" Sabi ni Kyle nakita nya kasi kami kaya napatigil sila sa pagkanta.
BINABASA MO ANG
Lies and Betrayal [On-Hold]
HumorEto lang ang masasabi ko. DON'T LOVE TOO MUCH. TRUST NO ONE. and.. EXPECT THE UNEXPECTED.