Friendzone

86 2 1
                                    

Siguro nga MAGKAIBIGAN lang talaga tayo pero minsan di maalis na isiping sana maging HIGIT pa dun pero kahit masakit kelangang tanggapin na yun lang ang kaya mong ibigay sa akin

Schin's POV

Ako nga po pala si Schinneth Jalbuna 16 yrs. old isang 4th year High School isang MATALINO MABAIT MAYAMAN na babae  sabi nila HAHAXD Alam ko CURIOUS kayo kung MAGANDA ba ako?

Ahmmp, pagbibigyan ko na kayo dahil ang totoo ................

MAGANDA AKO at kahit itanong niyo pa sa nanay ko MAGANDA AKO

"hooooy! tabatchoooy" hahay  ayan na naman siya tinatawag na naman niya ako ng tabatchoy nakakainis na palage na lang niya akona tinatawag niyan kung hindi ko lang siya mahal malamang matagal ko nang sinapak to.

"ooh? ano na naman payatot?" tanong ko sa kanya.Nga pala nandito kami ngayon sa canteen lunch break na kasi kaya ibig sa bihin  KAINAN NAHHHH! hahahaLOL. Umupo siya sa tapat ko at tinitigan ako sa mga mata na parang seryoso.

"ooh? ano?"  tanong ko sa kanya

"alam mo tabatchoy tumataba ka na talaga!.."sabi niya muntik ko na siyang mabato ng burger nang may pahabol siyang sinabi....

"pero wag kang mag-alala cute ka parin naman" naka ngiti niyang sabi

"talaga?" paninigurado ko hahahaXD

"bero lang HAHAHAHAHHA" sabi niya.Kainis okay na sana binawi pa.

Siya nga pala si Christian isang sikat na Math gEnius sa campus namin at pinagkakagulohan ng maraming babae.Isang taong hindi maintindihan ang ugali buliro paminsan minsan seryoso ewan ko ba parang weather yung ugali niya pabago bago.Magkapitbahay kami simula bata pa close na yung family namin pero kami? HINDI Nag aaway kasi kami palage eeh sino ba naman ang hindi maiinis sa ugali niyang pabago bago pero simula ng High School life ko naging close na kami kasi seguro nasanay na ako.

I don't know what instantly came pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na kaibigan siya at masaya kapag kasama ko siya.

We became close from being friends we became close friends and now BESTFRIEND.

Lage niya akong pinagtatanggol pag bino-bully ako sa school lage niya akong sinasabayan kapag lunch time.Siya lang ang nag iisang bestfriend ko ang bestfriend na nandiyan kahit sa anong problema.Kaya nga ako nahulog sa kanya!

"hoy best pwede magpatulong?" biglang tanong niya

"ooh ano? kung tungkol sa math yan wala akong maitutulong" sagot ko

"ano kaba naman! kung tungkol sa math lang ang problema ko edi sana hindi na ako nagpatulong sayo" sagot niya.Oo nga pala nakalimutan ko magaling pala siya sa Math hahay :(

"oh sige na ikaw na ang matalino! kainis! eh tungkol saan ba?"

"tulungan mo naman akong ligawan si Chloe oh..please diba bestfriend kita? tulungan mo na ako" pagmamakaawa niya with puppy eyes pa yan hah!

"oo na! cge na" sabi ko at tapos bigla niya akong niyakap.Sana palage nalang kaming ganito.

"sandali ..ano ba ang gagawin ko upang makatulong?"

"ganito yung plano..."

Next Day

Pagkatapos ng klase ay agad akong nag punta sa covered court para puntahan ang Chloe na yun at upang ibigay ang bouquet at note na pinabibigay ng bestfriend ko.

"excuse me Ms.Chloe" sabi ko ng makalapit na ako sa kanya

"yes? may I help you?" sabi niya habang naka cross arm

"pinabibigay" sabi ko at inabot ang bouquet at note pagkatapos ay umalis na ako.Nang maka dalawang hakbang na ako bigla niya akong tinawag at tinanong

"kanino galing to?" tanong niya pero hindi ko na siya hinarap at sinabing

"from the guy who really admires you a lot...you must be the lucky girl Ms.Chloe because he is a good guy!"

NEXT DAY

Naglalakad ako patungong library para makapag research sa thesis namen nang makita ko si crush na daladala ang mga libro ng isang pep squad leader sa aming university si Chloe Delos Reyes....so? sila na pala? Ang bilis naman

Yung pakiramdan na parang sumabog yung puso ko sa mga nakikita ko.....gusto ko siyang SIGAWAN AT PAGALITAN pero naisip ko .......

SINO nga ba naman ako para sa kanya?????

isa lang naman akong hamak na BESTFRIEND.

Seguro nga kailan ko nang tanggapin na hindi talaga siya pwedeng maging akin na hanggang kaibigan lang ang RULE ko sa BUHAY NIYA...oras na para tumigil na ako sa kakapangarap sa kanya......MASAYA na siya HINDI KO NA PWEDENG GULUHIN PA.

Nandito ako ngayon sa canteen nagpapaka LONER .....walang makausap! kasi yung BESTFRIEND KO nagka girlfriend lang KINALIMUTAN na ako usually kasi palage ko siyang kasabay kapag lunch.Sa lunch time na ngalang kami nagkakasama kasi magkaiba kami ng section nasa CRACK SECTION siya eeeeh? ako nasa RBEC  lang.:(

Ang daya ng mundo noh?

sana naging classmate ko nalang kasi siya para palage ko siyang mababantayan kong may babae man na lumalandi sa kanya....para hindi siya maagaw ng IBA kasi......

AKIN LANG SIYA!

Tanggap ko na may girlfriend na siya sa ngayon.....

basta akin siya sa pagdating ng tamang panahon. hehehehe :)

Nakita ko na papasok ng canteen ang bestfriend ko parang lumiwanag ang araw ko pero nang mayhumawak na babae sa mga braso niya at sino pa nga ba?

eeeh di. Si Cloe Delos Reyes.

Lumapit ang bestfriend ko sa akin at "best sorry hindi kita masasabay ngayon sa lunch sasabay kasi ako kina Chloe ...alam mo na" sabi niya

"okay lang cge don' kana"sabi ko at umalis na siya

"nakakainis!" ako.Hindi ko na tinapos ang pagkain at lumabas na lang ng canteen wala kasi akong ganang kumain pano ba naman nakakawala ng appetite ang nasa kaliwa ko dito pa naman sa canteen ni lalandi ni Chloe ang bestfriend may pasuboan subuan pa sila.

"kainis ang landi-landi" pasigaw kong sabi

"sinong malandi?" narinig kong sabi ng lalaki na nasalikuran ko kaya nilingon ko siya

"ahh..hindi wala yun" sabi ko at umalis na

Next Day

Ilang araw na nahindi ko na kasama ang bestfriend ko sobrang busy sa lovelife niya.

Maaalala lang din niya ako kapag nag break na sila ni Chloe.Lalapit siya sa akin at hihingi ng advice

"best" rinig kong may nagsalita sa harap ko kaya inalis ko sa mukha ang libro para makita kung sino

"oh bakit nandito ka?"

"bakit ? bawal bang magpunta sa library nato?" tanong niya

"di naman ganun! hindi ba dapat kasama mo si Chloe"

"nag away kami" sabi niya.Sabi ko na nga ba eeh...na maaala lang niya ako kapag nag away sila ng Chloe na yun

"yan na nga ba ang sabi ko masasaktan ka lang bakit ba kasi si Chloe pa ang nagustuhan eeh marami namang iba jan na mas mabait,matalino,maganda at higit sa lahat hindi ka kayang saktan si Chloe pa talaga ang minahal mo na alam naman nating sini yan seryoso sa mga relasyon na pinapasok ng babaeng yun" sabi ko . Nang pagtingin ko sa kanya ay nakita ko ang mga luha sa mata niya

FriendzoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon