Jharine POV
"Mahal kita. Noon pa. Bago mo ko iwanan. Bago mo ko kalimutan. Bago mo ko ipagpalit.". Mapait na saad ko sa kanya kahit pilit kong tinatago ang mga hikbi dahil sa sobrang sakit.
Malaking tulong din ang mga patak ng ulan saaking muka dahil sa sama ng panahon upang hindi mahalata ang pag tangis ko.
Gustong gusto ko labanan ang sakit sa puso ko ngunit kahit anong laban ko di ko na makayanan.
Pagod na pagod na ako.
"Pero ikaw unang nang iwan sa ere." Natigilan ako sa malamig na tugon nya.
Sa sinaad nyang yun ay mas lalong gumuho ang mundo ko. Nanginginig ang mga tuhod ko. Hindi na ako makagalaw sa kinakatayuan ko. Nanatiling nakatikom ang mga bibig ko. Pero sa Sandaling yun pinipilit kong kalimutan ang lahat ng sakit at inaalala ang masasayang bagay na ginawa namin noon. Dahil ito ang huling oras na makakasama ko sya.
Oo inaamin ko ako may kasalanan pero anong magagawa ko? Bata pa ako noon. Walang muwang. Walang alam sapag mamahal.
"Sorry. Kahit alam kong di na mababalik ang nag daan ng salitang isinaad ko. Ngunit sanay akoy iyong patawarin.mapait na tugon ko.
" Paalam na" pilit na ngiti ang ginawad ko sa kanya kahit masakit na.
Gusto ko nang makaalis sa lugar nato---
"Woi gising na arine." Agad akong nagising sa masirableng panaginip na yun.
" Umiiyak na naman. Gabi gabi nalang, ano bang napapaginipan mo?" Nag aalalang tanong ni Hyna. Best friend ko since birth.
Sumandal naman ako sa headboard ng kama para makausap sya ng maayos at tyaka kwinento lahat ng pangyayari sa king panaginip.
Halos 1 linggo ko na napapaniginipan iyon at halos paulit ulit nalang ito. Walang labis. Walang kulang.
Ngunit ang pinagtataka ko at anong kuneksyon nito sa pag katao ko. At bakit ko to napapaginipan ng halos araw araw nanasa panaginip ko to at di ko makita ang muka ng misteryosong nilalang.
Matapos ko i kwento lahat kay hyna ay gumayak na kami parehas dahil unang pasukan sa bago naming school na papasukan.
Sana lang makapag adjust na kami sa bagong school namin.
"Arine! Bilibilisan mo naman dyan juskow" nag eemote pa ko eh. Panira tsk.
"Eto na!" Sigaw ko mula sa kwarto namin at bumaba na.
" Teh! Anong meron? Ha? Beauty pagent? Mr. And Ms. Nutrition? Buti di ka nag suot ng shell nag tahong para sa bra mo?" Sabay hagikgik nya ng malakas
Huh?!
pashnene anong meron sa ayos ko?! Presentable naman! Bushet ( ̄~ ̄;)
"Problema?!Transferee lang tayo dun kaya dapat maganda" Sabay pa mewang ko. Minsan na ngalang mag ayos pagtatawanan pa.PSH.

YOU ARE READING
Best Friend FOREVER
HumorBest friend. Isang kabigan na laging nandyan. Kahit sino pede mag karoon ng Kaibigan. Babae man o Lalaki. O kahit ano basta nag dadamayan. sila ang nga totoong kaibigan. Handang makinig sa mga kadramahan mo. Pero sabi nga nila 'never' mag kakaroon...