Sa buhay natin di natin maiiwasang ang may makasalubong tayo, isang estrangharo, estranghero na maaaring maging parte ng buhay mo, estranghero na maaaring kilala ng kaibigan mo, estranghero makakaaway mo o isang estrangharo iyong mamahalin.
Sa mundong ginagalawan natin, di maiiwasan ang may mang iwan, makakilala ng iba at maiiwan sa ere, kaya dapat maging handa ka, maging handa sa mga posibleng mangyari dahil ang tao nagbabago, uulitin ko dahil ang tao nagbabago, kaya kung makakakilala ka ng estranghero wag mo agad agad pahahalagahan, wag agad agad pahahalagahan, pauulit ulit ako diba dahil baka ang estranghero yan ang maging, maging lesson sa buhay mo dahil ako, oo ako, minsan na kong nakakilala ng estranghero, estranghero na nag nakaw ng puso ko pero alam mo ba kung anong nangyari? Naging masalimuot ang pag tatapos ng magandang simula. Ang nag simula sa isang "Hello" ay nagtapos sa "Patawad mahal", Kaya nga ngayon kada estrangherong nakikilala ko ang dinadalangin ko, sana manatili ka nlng isang estranghero sa buhay ko dahil di na kakayanin ng puso kong muling masaktan ng isang estranghero.