The Only Exception ♥ (One-shot)

86 3 3
  • Dedicated kay Jhenelyn Mabao Bantilan
                                    

The Only Exception ♥

"Nak, pakibilhan nga ako ng betsin kay Ka Nona."

"Opo Nay, saglit lang."

yHoWn.

iNuUtusAn aKo ng mAmHie bUmiLi sa tiNdAhAn.

mAmAya nAh uLit.

cHarGe laNg mUna akO.

/gHiEm/

- bLaCkLisTed cLan -

- mS.biNatOg -

Napangiti nalang ako. Kinuha ko ang pambili kay Nanay at pumunta na sa tindahan ni Ka Nona para bumili.

Ako si Lorraine Keigh Marasigan. Labinlimang taong gulang at nag-aaral sa isang pampublikong paaralan. Nasa 4th year high school at graduating student na.

Yung sa kanina, oo, tama, ako'y isang texter, kititext, adik sa text, o kahit ano pa mang tawag sakin. Hindi ako nauubusan ng Load at palagi akong nakakasali sa mga clan. Yup. Clan, group ng mga adik sa text. Marami na kong nasalihan, nanjan ang TLC, MPP, OC, PRC etc.. Wala lang. I found it interesting kasi. When you interact with other people thru text without knowing their true colors. Nakakatuwa at nakakaaliw at the same time. Kasi may mga kaibigan ka na kahit hindi mo sila nakikita.

Si Cayleigh Marasigan. Siya ang nanay ko. Maasikaso, mabait, at palaging nakangiti. Si Lorrencio Marasigan naman ang the best tatay ko. Siya ang best friend/boyfriend/alalay ko. Hihi. May tatlo akong kuya, sina Laurent, Gabriel at Julian. Ako lang ang nag-iisang babae sa aming magkakapatid at bunso pa. Kaya bantay sarado ako. Hihi.

Sa mga clan ko, hindi maiwasan na may mga nagkakadevelopan, nagkakaligawan thru text. Pero iba ako sakanila. Ayaw ko ng may nanghihingi ng FB ko at after na makita ang FB ko ay bigla nalang silang magkakainteres sa akin. Ano yun? Kung hindi ako maganda, hindi nila ako pag-iinteresan. Isa pa, hindi karelasyon ang hanap ko kaya ako nag-clan. Gusto ko magkaroon ng mga kaibigan.

Sa school walang nakikipag-usap sakin. Hindi naman sa nakakadiri ako pero kasi, ayokong malapit sa kanila. Marami kasing nanggagamit lang. Na tuwing may exam, parang tuko kung makalapit. Pero may mga kaibigan din naman ako, hindi nga lang yung kilalang kilala kung sino ako.

It's contradicting right? Naghahanap ako ng kaibigan thru text pero ayaw kong kausapin ang mga kaibigan ko sa personal. Naniniwala kasi ako na mas madaling magsinungaling sa personal kesa sa mga messages lang. Wala lang, mas madali kasing makita.

---

"Baby, bangon ka na. May pasok ka diba 5:30 na oh?"

Napabalikwas ako ng bangon. Aiish. Late na ko sa Flag Ceremony. Nagmadali akong magbihis at kumain. Nagpaalam agad kay nanay at humalik at umalis para pumasok sa school.

Monday ngayon kaya dapat maaga ka sa school dahil may Flag Ceremony. Kung hindi ay mahuhuli ka sa 1st subject mo dahil sa punishments.

Pagtungtong ko sa school grounds ay pasalamat ako dahil nakapila palang ang mga kaklase ko. Meaning, mag-uumpisa palang. Pumila ako ng hindi nila namamalayan.

Nakita ko si Raymond na nakaway sakin, kaya nginitian ko siya. Sinenyas niya na nagtext daw siya sakin. Kaya hinanap ko ang cellphone ko at tinignan ito.

From: BLC - Monmon

Nood ka ng practice namin mamaya, after class? Please?

Tinignan ko siya at halata ang paghihintay niya sa sagot ko. Tumango nalang ako. Napangiti siya.

The Only Exception ♥ (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon