#suicidemode: emo because of u jerk
Panay ang selfie ni Lizzie sa kanyang instagram account with matching emote na kunwaring nag sui-suicide.Kaka break lang nila ng bf nitong si Carl dahil sa babae kaya naman todo emote ito sa pag kuha ng picture sabay post sa instagram at selfie para magpaawa at kunin ang simpatya ng bf at mga kakilala.
''THE KILLER APP,nu ba to?''tanong ni Lizzie sa sarili ng biglang mag pop up sa phone nito ang application.Nacurious si Lizzie ng makita ang isang babaeng duguan ang mukha na lalabas kasabay ng title ng application.DARE TO PLAY ,napataas ang kilay ni Lizzie ng makitang hinahamon siya ng application na idownload at laruin ito.
''Lizzie bumaba ka na daw at kumain sabi ni Mama at tigilan mo na nga yang kaka pose mo ng suicide isa pang upload niyan ako na papatay sayong babae ka!''sigaw ni Galvin na nooy inutusan ng Mama nila na pababain ang nakababatang kapatid na si Lizzie.
''Oo pababa na!''wika ni Lizzie na sumimangot at babalik ang tingin sa iphone.
Isang instant message ang lalabas sa screen at makikita niya ang bf na si Carl na inis na inis sa pinag gagawa niyabng suicide pose sa fb at instagram.Lalong uminit ang ulo ni lizzie ng makitang pabalik balik ang ad ng THE KILLER AP na lumalabas sa screen ng iphone.
''Bwisit ang kulit nito ah!''wika ni lizzie na dala ng inis at pipindutin ang application at mapupunta sa APPLE STORE kung saan niya pwede niya itong idownload.
''U better be fun or ill delete u right away.''wika ni Lizzie na agad i-install ang app sa kanyang iphone.Habang hinihintay na madownload ang app ay todo ang pakikipag bangayan niya sa bf at friends nito na hindi nagustuhan ang selfie niyang may pose ng pagtatangkang pag suisuicide.
Mikaela: Girl ano ba para kang tanga sa ginagawa mo
Justin: Bobo mo pakamatay na
Carl: Wag mo akong gawing dahilan ng pagiging baliw mo, stop posting pics like this.Your so childish kaya kita hiniwalayan eh.
Nabwisit si Lizzie ng makita ang negative impact ng mga selfie suicide pose nito sa fb at instagram.Pakiramdam niya walang nagmamahal sa kanya na pamilya at kaibigan.Biglang lilitaw ang icon na tapos ng ma install ang application sa kanyang phone.Wala sa isip niya itong binuksan at laking gulat niya ng biglang mag pop up ulit ang babaeng duguan ang mukha sa screen.
''Lame!''wika ni Lizzie na hindi na impress sa panakot ng application sa kanya.Mapapansin niya ang isang kamay na may kutsilyo na parang cursor sa screen kung saan may nakalagay na YES OR NO. Isang batang malungkot ang bubungad at makikitang nakatitig sa mga mata ng tila kinakabahan na si lizzie.
Do you want to play? YES OR NO
Napalunok ng laway si lizzie sa tanong ng bata,may bumubulong sa mga tenga niya na pindutin ang yes pero ang utak naman nito ay tutol at gustong pindutin ang NO.Ilang segundo siyang nag isip at biglang naalala na isa lamang itong pakulo ng application para laruin ng mga tao.
''Silly me this is just a game.''wika ni lizzie na agad pipindutin ang YES button at biglang magbla-black out ang screen ng kanyang iphone.
''Shit nasira ata! virus putek na yan!''wika ni lizzie na susubukang irestart ang iphone ng biglang may mag flash sa black screen ng phone na isang pares ng malalaking mata.
''Eeeh! whats that!''wika ni lizzie sabay bitaw sa iphone nito.Maya maya pa ay biglang kukurap ang LED screen ng iphone at mapapansin ni Lizzie na tumatayo ang bawat balahibo sa katawan nito.Magpapatay sindi na rin ang ilaw ng kanyang kwarto at biglang magsasara ng malakas ang pinto.
''Ano to? please dont scare me! KUYA!''sigaw ni Lizzie ng biglang may dumaan sa harap niya.
''Lizzie kain na! tama na yang kaka selfie mo ano ba!''tawag ni Galvin sa nakababatang kapatid nito na si Lizzie.
''Ku..yaah!''mahinang sagot ni Lizzie na nooy unti unting ginigilitan sa leeg ng isang babaeng walang mukha.
''Kulit mo ah sabing! LIZZIE!''sigaw ni Galvin ng pagpasok nito sa pinto ay makikita ang laslas na leeg ng kapatid na hawak ng isang babaeng walang mukha.
GAME OVER....tunog ng isang batang babae na maririnig ni Galvin sa madilim na kwarto.Makikita nitong bibitawan ng babaeng walang mukha si Lizzie at unti unting maglalaho.
''Lizzie! Lizzie!''wika ni Galvin na agad lalapitan ang walang buhay nitong kapatid.Biglang tutunog ang iphone ng kapatid at makikita nito ang mukha ni Lizzie na duguan ang mukha at umiiyak sa loob ng screen.
''Lizzie! sino may gawa nito sayo?''wika ni Galvin na agad hahawakan ang iphone ng biglang hawakan siya sa kamay ng inaakala niyang patay na kapatid.
''Huwag kuya! hayaan mo na ako!''mahinang wika ng nahihirapang magsalita na si Lizzie na agad titingnan ang iphone at kahit hinang hina ay pipiliting isagi papalayo sa kamay ng kanyang kuya.Isang malalim na paghinga ang maririnig ni Galvin at tuluyan ng pumanaw ang kapatid nitong si Lizzie sa mga kamay niya.
''You wanna play too? It will be fun!'' boses ng batang babae na maririnig sa itinapong iphone ni Lizzie.
Patay sindi ang LED sa screen ng iphone ni Lizzie,lumalamig din ang temperatura ng kwarto at nananayo ang balahibo sa buong katawan ni Galvin.Hindi siya makakilos at para bang may mabigat na bagay na nakasampa sa mga balikat niya.Mapapansin niyang umaangat ang dalawang mata nito pataas sa kanyang kilay kung saan laking gulat niya ng makita ang isang pares ng eyeballs na nakapatong.
''Tumakbo ka na! Tumakbo ka na kuya!''mahinang boses ni Lizzie na maririnig ni Galvin at nagbigay ng lakas sa kanya na tumayo at kumaripas ng takbo palabas ng pinto.
BANG! lagabog ng pintong biglang nagsarado bago pa man makalabas si Galvin.Naghanap siya ng daan palabas ng makita nito ang veranda.
''PLAY TIME'' isang boses ng bata na biglang mapapalitan ng malalakas na halakhak.Hindi na naghintay pa na may makita si Galvin at agad na lalabas ng veranda ng biglang may humawak sa paa niya.Unti unting babaling ang paningin ni Galvin sa kamay na nakahawak sa paa nito at makikita ang batang babae na laslas ang bibig hangang tenga at nakaluwa ang mga mata.
''DONT BE A SCAREDY CAT.''
ITUTULOY.............
BINABASA MO ANG
Killer App
HorrorIsang application ang kumalat sa google playstore na iniiwasan ng mga gadget at mobile addict.Matapos kasi ito ma download ng sino man ay misteryosong nawawala ang mga ito at hind na muling nakikita.Isang detective at game developer ang na engganyon...