'Happy 43rd month Honey!'
Ang tagal na namin. I can't believe it.
Naguusap kami ngayon. Inaalala yung mga nakaraan. Mga pinagdaan at kung ano-ano pa.
'Hon, magpupundar tayo nang sarili nating bahay. Pagipunan natin ah. Tutal, sa susunod na akyat ko, 3rd officer na ko. Makaka-ipon na tayo. Thank you hon sa lahat. Kung wala ka, wala rin ako sa posisyon ko ngayon.' - Richard
Sabi nya pa.
'Naalala ko nung magkasama tayo sa iisang bubong, lahat nang saya, hirap, gutom nandun. Hehe. Andun yung matutulog na lang tayo dahil wala tayong makain. Yung aantayin kita galing work kasi kakauwi ko lang galing review center. Kung wala yung mga pangyayaring yun, hindi tayo magiging ok. Hindi tayo magiging strong ngayon no? Ang dami na nating napagdaanan. Nakakatuwa. Naka-survive tayo.'
Nagbreak na kami, last year. Pero hindi kami magkakaayos kung hindi kami naglive-in. Kakababa lang niya galing barko. He needs to take an exam for 3rd officer. Nagreview siya. Naka-pasa. At nagttraining na. Actually, 1 1/2 year na siyang nagbabakasyon dito.
Yes, naglive in kami. Ako lahat gumastos, tumulong at sumuporta sa kanya. Mahirap kasi ang buhay. Breadwinner siya ng pamilya. At tinulungan ko siya, kasi mahal ko siya at gusto kong tulungan siyang maabot ang mga pangarap niya. Dahil ako. natupad na ang pangarap ko nung nakilala ko siya.
'Oy! Tulala ka nanaman! Ano bang iniisip mo!?'
Nagulat ako sa sigaw niya. Haha Kakaisip. Ayan tuloy.
'Hahaha. Wala. Iniisip ko lang yung mga pinagdaanan natin. Di ako makapaniwala eh.' Sabi ko naman sa kanya.
'Osiya. Nakaluto na ko. Yung paborito natin. Hahaha. Sukpo!'
Sugpo. Haha. Monthly kami nagcecelebrate. Kahit masarap na ulam lang. O minsan naman kakain sa labas. Kasi special samin ang araw na to. Nandito kami sa kanila. Lagi kaming nandtio. Minsan halos dito na ko nakatira. Hehe.
'Tita, alis na po ako! Thank you po Tita ha!'
'Sige Anak, magiingat kayo!'
Paalam ko sa mama niya. Ihahatid na ko ni Richard. Since 2 days na rin ako sa kanila.
Home Sweet home!
Sarap buhay! Araw-araw inspired hehehe.
Kakahiga ko pa lang nang biglang may nagtex sakin.
*Toot*
Tita Livy:
Anak, alam kong may problema ka. Kahit hindi mo sabihin. Alam kong meron. Kasi napapansin ko na lagi kang nakatulala at parang may malalim na iniisip.
Hala. ano yun?! Nakakagulat. Wala naman akong problema e. Ok na ok nga ako e. Ang saya saya namin kanina ah! Ano ba to. Kung ano ano iniisip. Nakatulala?! Baka pagising ko. Ganun naman lagi diba. Syempre muni- muni muna.
Nireplyan ko si Tita.
Me:
Hala! Tita, ano po yun? Wala naman po akong problema ah.
Tita Livy:
Mabuti kung ganun. Pagusapan natin yun, pagsakay ni Richard sa barko. Sige salamat
BINABASA MO ANG
Devastated
RomanceNo matter how good of a woman you are. You will never be good enough to a man who isn't ready. There is no happy ending. There is no forever. Yes, it hurts. But you have to create your own sunshine. 'I think one of the saddest things is when two peo...